CHAPTER 18

16.8K 522 29
                                    

AGREEMENT

Malambot ang kama. Ang sarap sa pakiramdam ng unan. Ang bango ng comforter kaya lalong nagsiksik doon si Fiona. Kaya kahit parang binibiyak ang pakiramdam ng ulo niya ay nakangiti pa rin siyang nagmulat ng mata tapos ay yumakap sa unan sa tabi niya. Napangiti pa siya ng todo ng makita na naroon sa tabi niya si Owie at may hawak na puswelo at nakangiting nakatitig sa kanya.

"Good morning." Malambing na bati nito.

"Good morning," sagot niya at muling pumikit at sumubsob sa unan. Ang ganda naman makita sa umaga ang magandang ngiti ng lalaking iyon.

Pero agad din siyang napamulat ng mata. Para yatang nanigas ang katawan niya at hindi niya makuhang gumalaw. Ano ang ginagawa ni Owie dito sa silid niya at nakatabi pa sa kanya sa kama?

Napabalikwas siya ng bangon para masigurong naroon nga ang lalaki at hindi siya nananaginip. Totoong naroon si Owie at naka-boxer shorts lang na umiinom ng kape. Napatingin siya sa sarili niya at doon niya na-realize na wala din siyang suot na kahit ano sa ilalim ng comforter na bumabalot sa kanya.

"Good morning. Coffee?" muling bati nito at itinaas pa ang puswelo na hawak na parang inaalok siya.

"A-ano ang- bakit ka- sino-" nagkakandautal siya at hindi niya malaman ang sasabihin niya. Parang pumipintig sa sakit ang ulo niya. Ngayon niya nararamdaman na talagang literal na parang pinukpok ang ulo niya.

"We had sex last night," kaswal na sabi nito at uminom sa hawak na puswelo.

"What?" Gulat na gulat siya. Nakipag-sex siya kay Owie kagabi? Paano nangyari iyon? Ang alam niya, ang natatandaan niya galing siya sa date nila ni Kier. Tinakasan niya dahil hindi na niya gustong kasama ang lalaki. Umuwi siya dito at naabutan niyang nakahiga sa kama si Owie. May pa-ribbon pa nga ang lalaking ito.

"Uh-uhm," tumatangong sagot nito at muling humigop ng kape.

"No! Hindi! Hindi puwedeng mangyari iyon. Hindi naman ako papayag. Ikaw. Ikaw ang naabutan ko dito sa kama mo na nakaposas," may pandidiring sabi nito.

"Yep and you had sex with me while I was handcuffed on my bed," napangiwi pa ito ng sabihin iyon.

"Ano?! Anong pinagsasabi mo?" Umalis siya sa kama na pilit na ibinalot ang sarili sa comforter. "Owie, anong ginawa mo sa akin?"

Napataas ang kilay nito. "Wala akong ginawa sa iyo. Ikaw nga ang may ginawa sa akin. I was handcuffed and you basically forced me." Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa kanya.

"Gago! Hindi ko gagawin 'yon." Dumampot siya ng unan at ibinato sa lalaki.

Napatawa ito tapos ay unti-unting sumeryoso. "Are you high last night? Did you take any party drug? Sex drug? What do you remember?"

Hindi siya nakakibo. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Umuwi siya dahil nga sa inis niya kay Kier. Tapos nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Hindi pangkaraniwang pakiramdam ng nakainom. Init na init siya. Ang huli lang niyang naalala ay naabutan nga niya si Owie na nakahubad sa kama. Tapos bits ang pieces na lang na may ginawa nga sila sa kama. Naitakip niya ang kamay sa bibig. Hindi makapaniwala sa naisip.

"W-we had-" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil tango lang ng tango ang lalaki habang umiinom ng kape. At mukha namang hindi nagsisinungaling si Owie.

"You were so wild, and I knew there was something wrong with you. Hindi naman kita magawang pigilan kasi nga nakaposas ako. Ayoko naman na isipin mo na nag-take advantage ako sa iyo kaya pinabayaan na lang kitang mag-take advantage sa akin." Halatang pinipigil ni Owie ang nakakalokong ngiti.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon