CHAPTER 8

18.1K 548 34
                                    

BLIND DATE ROOM

The place was so dark. Kahit may maliliit na pin lights sa mga gilid ng bar, imposible pa rin talaga na makilala ni Owie ang mga taong naroon sa loob ng bar. Pero mukhang successful ang gimmick na ito ng owner ng lugar. The bar was jampacked with patrons. People were wild with the anticipation whom they were making out with. He knew that tonight will be a wild night. The dark place sets the mood right.

"Astig 'no? Kakaiba."

Alam niyang si Emer ang nagsalita noon sa likuran niya. Naaninag niyang may hawak itong baso at iniaabot sa kanya.

"Double scotch. On the rocks," sabi nito.

Kinuha niya ang ibinigay nito sa kanya at dire-diretso iyong ininom. Napasipol pa siya sa tapang ng alak na naubos niya. Para siyang kinilig sa tapang ng alcohol.

"Tayo lang ba dito? Hindi susunod si Amere? Si Nik? Hindi mo tinawagan?" Tanong niya sa kapatid.

"Busy daw si Amere. Si Nik alam na kung bakit hindi puwede. Pero sinabihan ko sina Jay at Luke. Baka kasama din sina Kino at Gavin. Papunta na dito," sagot ni Emer sa kanya.

Sinubukan na igala ni Owie ang tingin sa kadiliman. Mahina siyang napamura. Paano ba siya makakakita ng prospect na babae dito kung ang mga anino lang ng mga ito ang nakikita niya? Hindi niya makita ang mga mukha.

"You know, imposible itong gimmick na 'to. Paano tayo makakapili ng babae kung hindi naman natin makita ang mga mukha nila? What if ang makuha natin ay mukha pang mas lalaki sa atin?" Reklamo niya sa kapatid.

Ang lakas ng tawa ni Emer. "Relax. Sigurado naman na lahat ng mga babae dito ay magiging tipo mo. This event is by invitation only and Paul told me that most of the female guests here are models kaya siguradong magaganda at sexy ang mga iyon." Bahagya pa siyang siniko ng kapatid.

"Shit. Minsan hindi ko alam kung bakit pa ako naniniwala sa inyo ni Amere. Madalas namin kasi talaga kapag kayo ang kasama ko, disaster lagi ang ending ng gabi ko." Napakamot na siya ng ulo.

"Masyado ka kasing stiff. Ewan ko ba naman sa 'yo. Alam ko naman na babaero ka pero minsan sablay ka din talaga." Naiiling na sabi ng kapatid niya.

Sasagot pa sana siya dito ng biglang huminto ang malakas ng tugtog galing sa naglalakihang speakers tapos ay nagsalita ang DJ.

"Calling the attention of Mr. Hotshot Pineda. Please proceed to Blind date room number 1." Iyon ang narinig nilang sabi ng DJ.

"What was that?" takang tanong niya sa kapatid.

Ngingiti-ngiti lang si Emer at tumungga sa hawak na beer.

"Mr. Famous 143 Jimenez. Blind date room number 2." Sabi muli ng DJ.

"Ano ang nangyayari, Emer?" Malapit na siyang mainis sa kapatid niya dahil hindi nito sinasagot ang tanong niya.

"Wait for it." Sabi nito na nakatingin sa kawalan at halatang hinihintay ang susunod na sasabihin ng DJ.

"Mr. Nice Guy Tamayo. Please proceed to Blind date room 3." Muling sabi ng DJ.

"And that's your cue." Naramdaman ni Owie na hinawakan siya sa braso ng kapatid niya at pahila na inalalayan para marating ang isang hallway na mayroong mga pinto. Tanging mga footlights lang ang umiilaw sa dinadaanan nila at huminto sila sa tapat ng isang silid.

"Get in." Sabi ng kapatid niya at binuksan nito ang silid. Katulad sa bar, napakadilim din ng loob noon.

"I don't want! Mamaya kung anong mangyari sa akin diyan. Baka may pumatay pa sa akin diyan. What the fuck did you do, Emer?" Reklamo niya sa kapatid at para silang nagta-tug of war na dalawa para makapasok siya sa loob ng silid.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon