CHAPTER 19

16.7K 483 19
                                    

DRUG TEST

It was business as usual at LVN. People were talking about the successful event that they had a few days ago. Owie made sure that every managers and other officers of the company would be present to their Monday executive meeting. He called for this meeting.

He was quiet than the usual while the meeting was happening. He was just listening to the reports that was being presented. Iba naman talaga siya kapag nasa opisina. He could be the sex deprived bastard on bed but in the office, he was the hard and not easy to please CEO of LVN.

Kailangan niyang magpa-impress sa lolo niya. Alam na niya noon na si Nik ang gagawin nitong CEO dahil alam niyang si Nik ang paboritong apo pero napaka-vocal ng pinsan niya na ayaw nito ng mabigat na responsibilidad. Siya daw ang pinaka-panganay sa lahat kaya mas dapat na siya ang ilagay sa posisyon na iyon. At ayaw niyang isipin ng kanyang Lolo Red at ni Nik na nagkamali ang desisyon ng mga ito sa pagpili sa kanya.

Kaya ngayon, kanya-kanyang paligsahan ng pagre-report ang mga managers sa harap niya. He could hear good reports. Tumaas ang sales ng fifty percent according to Amere. May mga good news din si Nik at Emer tungkol sa mga clients na nagre-renew ng contracts at partnership with LVN. The company was basically run by them. Hindi na nakikialam si Lolo Red sa mga desisyon nila.

Pagkatapos ng seryosong diskusyon tungkol sa takbo ng company, naging relax na lang ang mga nasa conference room ng sabihin niyang okay na siya sa mga report na narinig niya. Usually, pagkatapos ng ganitong meetings ay umaalis na siya agad. Pero ngayon, since na narito ang mga kapatid niya at si Nik pati na rin ang ibang mga managers ay nanatili siyang nakaupo at nakatingin sa mga ito na nagkukuwentuhan.

"Himala. Hindi ka nagmamadaling umalis," komento ni Amere na nagtitingin sa telepono nito. "Usually para kang inaasinan na bulate kapag tapos na ang meeting at magkukulong ka na sa opisina mo. Walang chicks na naghihintay sa iyo doon?"

Amere said that with a sarcastic tone pero hindi na lang niya pinansin. Walang babaeng naghihintay doon. Ang totoo, wala pang babaeng sumunod na naikama niya after ni Fiona and that was five days ago. Matagal na iyon. Sa halos gabi-gabi nilang pagba-bar na magkakapatid, gabi-gabi rin siyang halos may kasamang babae pauwi. But not these past few days. Para siyang nawalan sa ibang babae. All he could think about was looking forward on meeting Fiona and having sex with her.

Tipid lang siyang ngumiti at tinapunan ng tingin si Kier na masayang-masayang nakikipagkuwentuhan sa kaharap na co-manager. Mukhang nagyayabang. Naririnig pa niya na may ikinu-kuwento itong naging ka-date na babae na naka-sex pa daw.

"Hindi mo naaalala? 'Yung events organizer 'nung company anniversary natin? 'Yung chick na mahubog," narinig niyang sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. Is he talking about Fiona? Si Fiona lang naman ang mahubog na events organizer noon.

"'Yung maganda? Naka-date mo 'yun?" Halatang hindi makapaniwala ang hitsura ng co-manager na kausap ni Kier.

Nagmamayabang ang hitsura ni Kier at ngumiti ng makahulugan. "Hindi lang date. We did more than a date."

Napaangat siya sa kinauupuan niya. They did more than date? Parang hindi iyon ang nalaman niyang kuwento. Ang sinabi ni Fiona sa kanya, naka-date nga nito ang lalaki pero iniwan din dahil hindi ito kumportable. Nangyari nga ng gabing iyon ang wild sex nilang dalawa at doon din nabuo ang pagiging fuck buddies niya. But definitely, hindi nag-sex si Kier at si Fiona. And Fiona hates this guy. He drugged her kaya ito nagwala ng gabing iyon.

Mas concern pa nga siya doon kaysa sa ginawa sa kanya ni Portia. He knew Portia took a photo of him in that embarrassing position. Hinihintay na nga lang niya ang eskandalo na iyon. Nagtataka nga siya kung bakit ilang araw na, hindi pa lumalabas sa social media ang litrato niya. It would be talk of the town. A well-respected CEO handcuffed on bed and naked.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon