ENGAGEMENT EVENT

27K 907 158
                                    




Hindi pa man nakaka-settle sa Cebu si Fiona ay inabala na niya ang sarili sa trabaho. Event agad ang sumalubong sa kanya pagdating niya doon. One day lang siyang nagpahinga at nag-ikot sa siyudad pero pagkatapos noon ay dumiretso na siya sa Dusit Thani Mactan Cebu Resort. Bagong resort iyon na katatayo lang at natanggap siyang in-house events organizer para sa mga events ng hotel.

Pagdating niya sa opisina ay patong-patong na supplier contract ang nakapatong sa table niya. Nakaupo malapit sa kanya ang kasamahan niya sa department na iyon na si Princess na nag-aayos din ng mga kontrata. Tumingin ito sa kanya at ngumiti lang siya dito. Hinarap ang mga papel na dapat niyang intindihin.

"You are the owner of Multi Image Events in Manila, right?" Paniniguro ng babaeng malapit sa kanya.

Pilit siyang ngumiti at tumango dito.

"Well known event organizer ang company mo. Why did you decide to become a part of this new department?" Halatang naghihintay ng sagot ang babae.

"Sold it to my partner. I need a new environment." Pagsisinungaling niya. Ang totoo, nagpaalam muna siyang magbabakasyon at si Leslie na muna ang bahala sa lahat. "Ito na lahat ang list ng mga suppliers?" Wala siya sa mood na mag-kuwento ng tungkol sa buhay niya. Ang ipinunta niya dito ay para magtrabaho hindi para iladlad ang nangyari sa kanya.

"Lahat na iyan. Final na naman 'yan lahat. Since na bago ka, I want you to become familiarize with them since bukas na ang event. Big time client ang magpapa-event bukas. A surprise engagement party. Nandiyan na rin naman ang mga details kung paano natin i-execute," sagot nito.

Inayos niya ang mga papel at tumayo. "Sige. Punta muna ako sa beach front at mag-ocular ako. I-follow up ko na rin ang mga suppliers na ito para alang kong ready na sila para bukas. May mga mag-i-ingress na rin tonight 'di ba?"

Tumango lang ito at tuluyan na niyang iniwan.

Palinga-linga siya sa paligid. Napakaganda ng lugar. Ang ganda ng infinity pool na tipong dire-diretso hanggang dagat ang effect. Bumaba siya at tinungo ang beach front kung saan gagawin ang engagement party bukas ng hapon. Some of the staff are beginning to clean the place.

Hinubad niya ang suot na sapatos at barefoot na naglakad sa buhanginan. Kalmadong-kalmado ang dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin. Napatingin siya sa mga itinatayong dingding para sa pagkakabitan ng drapes bukas. Napangiti si Fiona ng mapait at parang naipit ang paglunok niya.

Another engagement party.

Hindi na yata niya mabilang kung ilang engagement party na ang na-organize ng kanilang team. The recent one was for Gavin and Rob na naging kaibigan na rin niya. Natawa siya ng mapakla. Naalala niya kung paano ito pagselosan noon ni Owie.

Agad na nawala ang ngiti niya ng maalala ang lalaki. She thought Owie would be her happy ever after. Lahat naman ng babae nangangarap na magkaroon noon. After a failed relationship with Ethan, she wished that she could find that HEA too. But sad to say, her relationship with Owie turned out to be a total bummer.

Gustong magpaliwanag 'nung tao pero hindi mo na kinausap. Tapos ngayon emo-emo ka diyan.

Nanatili siyang nakatingin sa dagat at pinakiramdaman ang pinong buhangin sa paa niya.

I hate him. He lied to me. Napakadali lang naman na sabihin niya sa akin na may asawa siya. Matatanggap ko kung diborsyado siya. But the betrayal. The lie that he told in my face every time I was asking him.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon