FLIGHT

16.9K 529 42
                                    


Hindi magawang tumingin ni Owie sa mga kapatid niya at sa Lolo Red niya habang dire-diretsong nagsesermon dahil sa nalamang pagpapakasal niya sa Amerika. Kahit si Nik ay nabulyawan din ng lolo niya dahil ito ang kakuntsaba niya sa kanyang ginawa.

"What were you thinking, Oswaldo? Getting married without even informing me?"

Sinulyapan niya ang lolo at parang nagsisi siya sa ginawa. Pulang-pula ang mukha nito sa galit at maging ang dalawang kapatid niya ay seryoso lang din na nakatingin sa kanya.

"Ang tagal na kasi noon and I already fixed it, 'Lo. Napirmahan na ni Kirsten ang divorce papers and after a week finalized na iyon," katwiran niya.

"At ano ang mangyayari? How much did she ask for alimony?" Matigas ang tono ng lolo niya.

Napangiwi siya. Baka masapak na talaga siya ng Lolo niya kapag sinabi niya kung magkano ang gusto ni Kirsten para lang mapirmahan ang divorce papers niya.

"Two million dollars," mahina siyang napamura ng sabihin iyon.

"Punyeta, Oswaldo!" Pinukpok pa ng lolo niya ang kaharap na mesa. Nagkatinginan sila ni Nik at napapailing lang ito at napayuko din.

"You wasted one hundred million pesos for that woman? Binawasan mo ang trust fund mo para lang ibayad sa babaeng iyon? Pinakasalan mo ng hindi mo pa lubusang kilala?" Parang sasabog sa galit ang hitsura ng mukha ng lolo niya.

"I was young, 'Lo. I was stupid. I thought I was in love," katwiran ni Owie.

"Yeah. You are stupid for not telling us that you are married. Anong ginawa mo kay Fiona? Niloko mo 'yung tao."

Tinapunan niya ng tingin si Amere at ang sama ng tingin nito sa kanya. Halatang galit dahil sa nalaman na ginawa niya.

"Inayos ko na nga. Final ang divorce namin after a week. Kaya ako pumunta sa New York para ayusin iyon." Katwiran niya.

"At ano ang ginagawa niya sa sala? Bakit pa siya nandito kasama mo? Ano sa tingin mo ang iisipin namin? Ano ang iisipin ni Fiona? Hindi mo pa nga inaayos ang sa inyo, ayan kasama mo pa dito ang asawa mo," parang armalite sa bilis ang boses ng kapatid na babae.

Napahinga siya ng malalim.

"She is not my wife anymore. Nandito lang siya para kuhanin ang pera niya. Kinausap ko na din si Lolo dahil kailangan pa rin ang pirma niya kung maglalabas ako ng ganoong kalaking pera mula sa trust fund ko."

Huminga ng malalim si Lolo Red at naiiling na tumayo.

"'Lo, please. Ayusin na natin. Ibigay na natin ang pera ni Kirsten para maayos na lahat. Just sign the paper para mailabas ko na ang pera at maibigay na sa kanya."

Masamang tingin ang iginanti ng lolo niya sa kanya at tinungo ang pinto.

"Ayusin mo ang dapat mong ayusin. Ako ang bahala sa babaeng pinakasalan mo." Inis na sabi nito at dire-diretsong lumabas.

Mahina siyang napamura. Sigurado siyang gigisahin siya ng mga kapatid niya.

"Emer, alam mo ba na nag-resign na ang in-house events planner natin? 'Yung si Fiona," boses ni Amere iyon. Tumingin siya sa kapatid at kay Emer lang ito nakatingin pero halata naman na sa kanya ipinaparinig ang sinasabi nito.

"Nabalitaan ko nga. Effective immediately daw. Grabe naman kasi ang nangyari," napa-tsk-tsk pa ang kapatid na lalaki. Alam niyang nananadya din ito.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon