CHAPTER 12

17.6K 567 60
                                    

START OVER

Tingin ni Owie ay kinakapos yata ng hininga si Fiona habang parang nanghihina na napaupo sa couch na nasa office niya. Hawak nito ang dibdib at panay ang buga ng hangin. She looks like she's having a panic attack.

Doon na siya tumayo at lumapit sa babae.

"Are you okay?" Hindi naman siya nagpapaka-plastic. Totoong nag-aalala din naman siya dahil tingin niya ay namumutla na ang babae.

Umiling ito. "P-please stay away from me," nanginginig ang boses nito at bahagya pang lumayo sa kanya.

Napahinga na lang siya ng malalim at napailing tapos ay lumayo dito. Naupo siya sa silya hindi kalayuan sa babae.

"And it was you." Iyon na lang ang nasabi niya. Dinampot niya ang underwear na nasa ibaba ng mesa niya at iniabot kay Fiona. "I just want to return these to you."

Tiningnan siya ng masama ng babae tapos ay hinablot ang underwears na hawak niya at inis na itinapon sa kalapit na basurahan na hindi naman na-shoot. Lumadlad lang lalo ang bra at panty sa sahig.

"At bakit kailangan mo pang ibalik sa akin? Bakit hindi mo na lang itinapon?" Singhal nito sa kanya.

Napakamot siya ng ulo. "So, it's my fault now? Nagmagandang loob lang akong ibalik ang gamit mo tapos kasalanan ko pa? Bakit ka kasi bigla na lang kumaripas ng takbo kagabi? Do you always do that? Sex and run?"

Tiningnan siya ng masama ni Fiona. "I don't engage in one-night stands."

Pinigil niya ang mapangiti dahil sa sinabi nito. "And yet, you were there doing a one-night stand."

"Issue ba iyon? Hindi naman dapat magiging issue kung hindi ka pakielamero. My friends told me that my identity would be a secret. Paano mo nalaman iyon?"

"Fi, ang totoo wala naman talagang issue kung nakikipag-one-night stand ka. That's normal. Just like everything you know and see about anyone about sex. Hindi dapat ikinakahiya iyon. You know, I am proud that we had sex together." Kaswal na kaswal na sabi niya.

"And you're saying sex like it doesn't matter to you. Parang normal na normal lang sa iyo. No wonder para kang exhibitionist and I found you doing a disgusting thing." Nakangiwi pa ang mukha ni Fiona ng sabihin iyon. Alam niyang ang pagkakahuli sa kanyang nagma-masturbate ang tinutukoy nito.

Tumaas ang kilay niya at natawa siya. "Correction, you found me doing that in the comfort of my own home. I am doing that in my own private time. Wala akong binabastos and I was just pleasuring myself. You barged in so that was not my fault. Don't you pleasure yourself sometimes?" Tanong pa niya.

Lalong naningkit ang mata ni Fiona sa pagkakatingin sa kanya at hindi niya alam kung bakit parang lalo siyang naaaliw. Sa totoo lang, dapat ay itinitikom na niya ang bibig niya pero naaaliw siyang makita ang gulat na gulat na ekspresyon sa mukha ni Fiona habang sinasabi niya ang mga iyon kaya lalo siyang ginaganahang mang-asar.

"Ang bastos mo." Iyon na lang ang nasabi ni Fiona.

Napakamot ng ulo si Owie. "Fine. I was out of line. Sorry." Napahinga siya ng malalim naupo malapit sa babae pero muli itong lumayo sa kanya. "The truth, I didn't know it was you last night. I don't have any idea who was the woman I had sex with. But it was different. Admit it, you felt the connection last night. It was like our own body has its own mind and they were-" hindi niya maituloy ang gustong sabihin dahil nakita niyang parang nataranta ang mukha ni Fiona sa sinasabi niya. "We both love what happened last night."

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon