CHAPTER 14

16.8K 500 27
                                    

OFFER

Shit.

Agad na hinawakan ni Owie ang zipper ng pantalon niya at gusto niyang tumakbo palayo para isarado iyon. Pero para ano pa kung gawin niya iyon kung nakita na rin naman ni Fiona. Panindigan na lang niya. Isinara niya sa harap ni Fiona ang zipper ng pantalon niya. Sa sobrang pagmamadali niyang makarating sa event ay nakalimutan na niyang i-zipper ang pantalon niya.

"Okay na?" Pinakaswal niya ang boses sa harap ng babae.

Nahihiyang tumingin si Fiona sa zipper niya at napakagat-labi ito at tumango.

Napapahiya sa harap ng babae kaya idinaan na lang niya sa tawa.

"Destiny na talaga yata natin na laging may something kapag nagkaka-encounter tayo," natatawang sabi niya.

Natawa lang din ito at muling dumampot ng wine sa tray na dala ng dumaang waiter.

"Ibig mong sabihin marami pang kakaibang mangyayari kapag nagkita tayo?"

"Siguro. But, lets go back to our business. You will be the official events organizer of LVN. And where do you stay right now?" Gusto niyang maging kampante sa kanya si Fiona.

"As of now, I am staying with a friend, but I am going to move out soon. Medyo dumadami na kami. Masikip na."

"Bakit nakikitira ka? Wala kang sariling place?" Sumenyas si Owie sa waiter na dalhan siya ng beer.

"I have but I am selling it. Too many bad memories." Maikling sagot nito.

"Kaya ka ba brokenhearted?"

Takang tumingin ito sa kanya.

"Naalala ko lang kasi 'nung nandoon tayo sa blind date room you said you wanted to forget. You were in pain. Ikaw nga si Miss Heartbroken 'di ba?"

Ngumiti ng mapakla si Fiona at halatang gusto nitong i-dismiss ang tungkol sa issue na iyon.

"Marami bang upcoming events ang LVN?" tanong nito.

Uminom muna siya ng beer at nanatiling nakatingin sa babae. Umiinom din ito sa hawak na baso ng wine at iginagala ang tingin sa paligid. Maganda talaga si Fiona. Bumaba ang tingin niya sa suot nito. Kahit simpleng slacks at blouse na pinatungn ng blazer ang suot ng babae, sigurado siyang mahubog ang katawan nito. Nahawakan na nga niya. Nadama na niya. She got a nice pair of boobs, flat stomach and curvy waist. Malaman din ang puwet. Bahagyang napa-ehem si Olie. Naaalala kasi niya ang nangyari sa kanila sa blind date room. He could still remember that when he touched her in between her thighs, it was smooth. Wala siyang buhok na nakapa.

Siguro kung sa ibang pagkakataon sila unang nagkakilala, malamang she could be his fuck buddy.

Nagtatakang nakatingin sa kanya si Fiona habang umiinom ng wine.

"What?" Tanong niya dito.

Natatawang napakunot ang noo nito. "You're staring at me."

Napakamot siya ng ulo at napailing. "You're standing out in this crowd. I can't help not to stare."

Parang high school girl na nag-blush ang pisngi ng babae.

"So, did you already find a decent place to stay?"

Umiling ito. "Mahirap maghanap." Napangiti ito ng mapakla. "'Yun sanang una na napuntahan ko maganda. The place it was superb. Nakaka-relax. It helps me free my mind of thinking about the heartbreak. But sad to say, it was taken." Tumingin ito ng makahulugan sa kanya.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon