CHAPTER 26

18K 510 66
                                    

GETTING MARRIED

"Ganda na ng mood. Nakangiti na. Iba talaga kapag in-love."

Natawa si Owie habang nakatutok ang tingin sa laptop at nagba-browse doon. Hindi niya tiningnan ang pumasok sa opisina niya. Kilala naman niya kung sino iyon.

Pabagsak na naupo si Nik sa sofa. Hindi pa rin niya ito pinapansin. Nahiga doon tapos bumangon ulit. Halatang nagpapapansin.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi niya ito tinitingnan. Nasa laptop pa rin ang pansin niya.

"Nabalitaan ko kasi nagbigay ka daw ng bonus sa mga staff mo. Wala ba akong pangkabuhayan package diyan," nang-iinis pang sabi nito.

Natawa lang siya. Inilapit pa niya ang tingin sa monitor ng may makita siyang maganda sa tinitingnan niya.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo diyan?" Hindi na yata ito nakatiis at tumayo na. Maya-maya lang ay nasa likuran na niya. "Wow. That's a big rock." Komento nito ng makita ang nasa monitor na litrato ng isang engagement ring.

"Yeah. Parang maliit pa nga. You think she'll like this one?" Itinuro niya ang isang princess cut engagement ring. One karat diamond ang nasa ituktok noon na napapaligiran pa ng mga maliliit na diyamante.

Malakas siyang itinulak ni Nik at muntik na siyang masubsob sa kaharap na laptop. Tiningnan niya ito ng masama.

"You're going to propose? To Fiona?" Halata ang excitement sa boses ni Nik.

Natawa siya at napailing at muling itinutok ang tingin sa singsing na nasa monitor.

"I like this one. It suits her personality. Jennifer Meyer can custom design this for her," parang sarili lang niya ang kausap niya habang sinasabi iyon.

"Is this for real, Owie?"

Doon na siya napatingin kay Nik at nakita niyang seryoso itong nakatingin na sa kanya. Lumakad ito at bumalik sa sofa.

"I mean, you are thinking of proposing. Marriage. Are you sure about that?" Sabi pa nito.

Napahinga siya ng malalim at napasandal sa kinauupuan.

"It's Fi. I've never felt like this to any other woman. It's not about the sex. I want her to be mine. Forever." Sagot niya.

"What about New York?" Halatang concerned pa rin sa bagay na iyon si Nik.

"I'll fix it this time. For good. Ayokong may multong susulpot sa amin ni Fiona. I'll order this ring then I'll fly to New York next week to settle everything."

Napailing si Nik. "Bakit kasi pinagtagal mo pa? You should have fixed it a long time ago."

Hindi siya nakasagot. Nakatingin lang siya sa engagement ring na nasa monitor.

"Don't worry about it. Ako nga hindi nagwo-worry. Mas kabado ka pa sa akin. Ganyan ba kapag malapit na ang kasal? Dinadaga na ang dibdib." Biniro na lang niya si Nik. Gusto niyang mawala na sa kanya ang usapan nila. Sa totoo lang he wanted his proposal to Fiona to be a surprise. Walang ibang nakakaalam. Kaya sa tuwing mag-uusap sila ng babae, nagtatanong-tanong siya dito ng mga ideas tungkol sa proposal.

"Excited but at the same time scared. Ganoon pala ang feeling. But I can't wait to be with Jade." Ngumiti si Nik.

Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng pinsan niya ng sabihin iyon. Sigurado siya, si Jade na talaga ang babaeng mamahalin nito.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon