NEW YORK

17.1K 529 79
                                    


More than a week silang hindi nagkita ni Owie. Ten days to be exact. One-week lang naman talaga ang usapan nila ng lalaki na mag-i-stay doon pero na-extend pa ng three days dahil nga sa may inaayos pang documents na kailangan nitong pirmahan. And in those ten days, nagtiis lang silang mag-usap via Skype. Texting, chatting. Miss na miss niya si Owie.

Kaya ng sabihin sa kanya ni Amere na nakauwi na ang boyfriend, parang gusto na niyang putulin ang meeting nilang dalawa.

"Hindi mo alam na darating si Owie?" Paniniguro nito.

Umiling si Fiona. "Magkausap pa kami kagabi and ang sabi niya baka nga ma-extend na naman ang New York trip niya."

"Baka talagang isu-surprise ka. Nagiging mahilig sa surprise-surprise effect ang kapatid kong iyon. Masyado yatang nadala 'nung may pa-surprise ka kay Rob." Tumatawang sabi nito.

"Sinabi ba niya kung anong oras ang dating niya?"

Tumingin sa relo si Amere. "Siguro nandito na 'yun. Hintayin mo tatawagan ka na maya-maya."

Napakagat-labi siya. "I-surprise ko na lang siguro.May pag-uusapan pa ba tayo?"

"Wala na. Okay na ako sa planning na ito para sa next event ng LVN. You can go," ngumiti ito ng matamis sa kanya.

"Don't tell him na alam ko na darating siya, ha?" Pagkasabi noon ay mabilis niyang inimis ang mga gamit at nagmamadaling lumabas. Diretso siya sa supermarket at umuwi sa sarili niyang unit. Kahit naman kasi madalas siyang mag-stay sa unit ni Owie, mayroon pa rin naman siyang sa sarili niya.

Nagluto siya ng baked salmon. Bumili siya ng cake in can. May dala pa siyang wine. Inilagay niya sa isang lalagay. Gusto niyang i-surprise si Owie. Akala ng lalaking iyon maiisahan siya sa pa-surprise. Alam na alam na kaya niya ang lahat ng klase ng surprise effect dahil siya ang gumagawa noon para sa mga kliyente niya.

Naligo siya at nagbihis ng maganda. Talagang pinaganda din niya ang sarili. Ginamit din niya ang bagong pabango na binili niya. Moschino Toy 2. Gustong-gusto niya ang amoy noon at sigurado siyang magugustuhan din ni Owie.

Malapit na siya sa building ng unit ni Owie pero wala pa rin siyang nare-receive na text o call mula sa lalaki. Napataas ang kilay niya. Talagang pinanindigan nito ang pagpapanggap na hindi pa nakakauwi. Pero sigurado naman na magugulat ito na nandito siya at may surprise pa.

Inayos pa niya ang sarili habang paakyat sa unit. Siniguro na hindi nasira ang presentation ng food na ginawa niya. May sarili siyang susi ng unit ni Owie pero naisip niyang hindi gamitin iyon. Talagang gugulatin niya ang lalaki.

Nag-buzz siya. Sigurado siyang may tao sa loob kasi may kumakaluskos. Muli niyang pinindot ang buzzer tapos pigil na pigil ang ngiti niya ng bumukas ang pinto.

Pero agad ding nawala ang ngiti sa labi niya ng isang babae ang nagbukas doon.

Hindi lang basta babae. Magandang babae. Matangkad, mahaba ang buhok. Sexy dahil tight fit pants and suot nito at bra lang ang suot. Bahagya siyang umatras at tiningnan mabuti kung tama ba ang unit number na pinuntahan niya. Tama naman.

"Can I help you?" Slang na tanong ng babae. Pati pagsasalita ay parang sopistikadang-sopistikada.

Kahit kailan, hindi nakaramdam ng insecurity si Fiona. Sanay siyang humarap sa kahit na sinong matataas na tao pero sa harap ng babaeng ito, pakiramdam niya ay nanliliit siya at kayang-kaya siyang tirisin.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon