CHAPTER 21

17.2K 511 36
                                    

KISS ON THE CHEEK

"Wala kayong label?"

Tinapunan ni Owie ng tingin si Nik habang nagmamaneho siya papunta sa isang event na team ni Fiona ang nag-organize. Bukod kasi sa pagiging in-house events organizer ng LVN ang team ng babae, kinuha din ng kaibigan niyang Gavin ang service ng team nito ngayong gabi para sa engagement party ng kapatid ng kaibigan. Small party lang naman pero gusto ng mga ito na maging maganda ang kalabasan ng event.

"I am too old for label, Nik." Sagot niya sa pinsan.

"Are you? You still didn't tell Amere and Emer what happened in New York?"

Nawala ang ngiti niya sa labi at seryosong itinutok ang pansin sa sasakyan. Why do he have to say those words?

Alam niyang napansin ni Nik ang pagiging seryoso niya.

"I know. My bad. But don't you think your siblings need to know what really happened to you there? Kahit kay Lolo. Hindi mo man lang sinabi," patuloy pa nito.

"Because it doesn't matter. And I am asking you to shut your mouth. Pinagkatiwalaan kita sa bagay na iyon kaya please lang, let's keep it that way." Madiin na sagot niya.

Napahinga ng malalim si Nik at napasandal sa kinauupuan tapos ay tumingin din sa kalsada.

"I told you from the start that you need to fix it. Tahimik ngayon, walang paramdam. What if biglang magparamdam?"

"Damn it, Nik. Can we stop talking about that? I am not interested. We can talk about anything. You. How's your wedding preparation with Jade of course," pinilit niyang tumawa at iniliko sa isang kanto ang sasakyan.

"We are fine. We are good. We are happily taking care of our wedding preparations personally. Tell me about this woman. It's been ages since you have a steady girl."

Alam ni Owie na pilit na pilit lang ang pakita ni Nik na interesado ito sa babaeng sinasabi niya. Mas interesado kasi ito sa kung ano ang ginagawa niya para sa nakaraan niya.

"She is not my steady girl. She is a good friend. There. Good friend." Diniinan niya ang huling mga salita.

"Good friend that you can fuck. Like that." Napabuga ng hangin si Nik. "It will fall back on you. 'Yang ginagawa mo ngayon."

Napailing siya. "What do you mean? We are okay like this. Walang commitment, walang relationship. We are enjoying the pure benefits of being partners in bed. And so far, it is good."

Nagkamot ng ulo si Nik.

"Ano ba ang worry mo? Ako pa ba? Para namang hindi mo ako kilala." Pagmamalaki niya sa pinsan. "Saka ginagawa mo din naman ito 'nung hindi mo pa nakikilala si Jade. Iba-iba ang babae mo."

"'Yun nga. Kaya ako nagwo-worry kasi kilala kita. You get easily attached and hindi ako kahit kailan nagkaroon ng steady fuck buddy. Iba-iba ang babae ko. Do I still need to remind New York again?" Makahulugan itong tumingin sa kanya.

Napipikon na siya kay Nik. Bakit kailangan na lagi nitong ipaalala iyon? He forgot about it. He ended it.

"I ended it right? Kasama ka ng ginawa ko iyon."

"You ended it, but you didn't fix it. Malaki ang difference noon. If you want to get serious right now, you need to fix it."

"Whoa. Nikolaus. Fuck buddy lang kami bakit naging serious na tayo ngayon?" Natatawang sagot niya. "I am telling you. I am not serious, and I will never be serious with this woman or to any other woman. I've learned my lesson already." Naiiling na natatawang sagot niya at ipinarada ang kotse sa tapat ng bar na pagdadausan ng engagement party.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon