CHAPTER 4

22.1K 471 18
                                    

Paalala. SPG. Kung hindi kumportable, lampasan ang chapter na ito.

Maraming salamat.

- S. Lei

---------------------------------------

EX-VISIT

Hindi makatingin kay Fiona ng diretso ang kaibigang si Carol ng magkita sila kinabukasan. Sigurado siya na magang-maga ang mata niya kaya napilitan siyang magsuot ng shades. Magdamag ba naman siyang umiyak. Iniiyakan niya ang panloloko ni Ethan at ng mommy niya tapos nadagdag pa ang kabastusang naabutan niya sa condo na dapat ay tutuluyan niya.

"Fi, I am really, really sorry for what happened last night. Hindi ko talaga akalain na mangyayari iyon," kitang-kita niya ang hiya sa mukha nito.

Napailing lang siya at napahinga ng malalim.

"Hindi ko naman talaga alam na uuwi doon ang may-ari ng unit. Fi, I am not going to ask what happened in there and you don't need to tell me too. I don't want to know. I just wanted to apologize for the mixed up. Muntik na rin akong mawalan ng client," naiiyak na sabi ni Carol.

At wala din naman siyang planong sabihin kahit na kanino ang naranasan niya ng nagdaang gabi. Sobrang nakakabastos iyon. She had experience about sex. Taon ang binilang na magkasama silang nakatira ni Ethan sa iisang bubong and they had a voracious appetite for sex. Pero kahit na open minded siya, hindi pa rin niya matanggap ang nakita niyang kabastusan kagabi. That was the first time that she saw a man masturbating and she doesn't understand why she finds it disgusting.

Napapikit si Fiona at napabuga ng hangin. Pilit na inaalis ang imahe ng lalaki habang pinapaligaya nito ang sarili.

"I don't want to talk about that too. It was a nightmare Carol, and I don't want to remember it anymore. Same as I don't want to remember what Ethan did to me. He and my mother-" hindi niya naituloy ang sasabihin at napasubsob sa mga kamay at tuluyang napaiyak. "I can't believe that my own mother could do that to me."

Naaawang tumingin sa kanya ang kaibigan.

"I don't know what to say about that, Fi. Hindi ko rin akalain na magagawa iyon ni Tita Karla sa iyo. I mean, kaka-isang taon pa lang na namamatay ng daddy mo."

"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? My father just died and my god damn mother was already fucking my boyfriend," punong-puno ng galit ang dibdib ni Fiona.

"Anong gagawin mo? Babalik ka pa ba sa unit mo?" Napa-tsk-tsk si Carol. "I don't want to blame because it happened already. But I told you, Ethan was bad news. User 'yun, eh. Kahit 'nung ipinakilala mo siya sa akin, alam kong hindi na gagawa ng matino ang lalaking iyon. Pero sabi mo mahal mo kaya pinabayaan kita," himig nagsesermon si Carol.

"I gave him everything. Pabahay, pa-damit. Pakain ko pa. Pamasahe. 'Tangina, libre sex pa. Ano pa ba ang kulang sa akin? Tapos pati nanay ko? What's wrong with me, Carol?" muli siyang napahagulgol ng iyak.

Naramdaman niyang inakbayan siya ng kaibigan tapos ay niyakap palapit dito.

"There is nothing wrong with you. User lang talaga 'yang si Ethan. Kung sino ang mas magbibigay sa kanya ng ginhawa, doon siya. Mabuti na rin na nangyari iyan. At least hangga't maaga, hangga't konti pa lang ang investment mo sa kanya, nakilala mo na siya agad."

"Tapos ngayon, mommy ko naman? Bakit? Akala niya maraming pera ang mommy ko? Alam ko naman na ilang beses na niyang niloloko ang daddy ko pero hindi ko talaga akalain na pati boyfriend ko aahasin ng magaling kong nanay," punong-puno pa rin ng galit ang boses niya.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon