Chapter Five

1.8K 92 33
                                    

He is a bomb engineer. He can dismantle and disarm any kinds of explosive devices in a matter of seconds. It is one of his expertise when he was still in the Marines.

But this kind of bomb that this woman carries, he doesn't have any idea about it. And in just a blink of an eye, it blew up right in his face.

He was unguarded and he didn't expect that kind of attack from her. And in order not to let her make a move again, he told her to leave. And with that, he was left there confused and distracted.

That's Impossible!

Untag niya sa sariling isip nang mapag-isa na siya sa kanyang kwartong tinutuluyan doon sa Dynasty Hotel.

Hindi siya naniniwala sa pinagsasasabi sa kanya ng babaeng iyon. Kasinungalingan lang ang lahat at maaari na pakana lamang iyon ng kung sinong kaaway ng kanilang organisasyon.

Ngunit naiinis siya dahil nakaramdam siya ng kaba sa dibdib na parang may bumundol roon nang may maalala siyang mga pangyayari noon.

Nagkaroon kasi ng mga pagkakataon na nakakalimot siya sa mga pinaggagagawa niya kapag nakainom siya ng marami. Nagigising na lamang siya na may nangyari na sa pagitan nila ng kung sinomang babaeng naikakama niya.

Kaya bibihira siya uminom sa pampublikong lugar dahil kapag tinamaan siya ng init ng katawan at saktong may magpapalabas niyon ay siguradong mapapatulan niya nang di oras.

Noon iyon. Noong nasa Marines pa siya. Kapag bakasyon kasi nila ay sinisimulan niya ang paghahanap sa mga taong may utang sa kanya. Kaya kapag nauuwi sa wala ang pinaghihirapan niya ay naiinis siya kaya't nilulunod niya ang sarili sa alak.

Ngunit ngayong kasapi na siya ng SIATT ay binago na niya ang sarili. Halos hindi naman kasi siya nagbabakasyon at patuloy lang sa pagtanggap ng misyon at paghahanap sa mga may atraso sa pamilya niya.

But his past mistakes came knocking on his door right now and he doesn't have a clue on how to handle it.

"No. That's just a fucking play! A trick from someone who has a grudge in me and on the organization I am in. That is not true. None of it is real." Aniya na para bang kinukumbinsi ang sarili.

Nang mahimasmasan siya ay kaagad siyang nagpadala ng report sa headquarters nila at pagkatapos ay saka lamang siya nakapagpahinga at pinilit makatulog kahit na patuloy siyang ginugulo ng babaeng iyon sa isip.

Kinabukasan ay may mga taga Morris hospital na nagpunta at binigyan siya ng imbitasyon upang mabisita ang mga batang nabigyan niya ng donasyon sa Morris Orphanage - L.A. California Chapter. Dalawa kasi ang orphanage ang naitayo at isa ay nasa Pilipinas.

Bahagya siyang nagtaka dahil hindi kasama ang babaeng nagngangalang Carrie sa sumundo sa kanya sa hotel. Mas lalo lang tuloy siyang naniwala na binayaran lamang ang dalaga at baka minamanmanan ng mga kalaban ang mga kilos niya. Kaya't naging mas alerto siya sa kanyang kapaligiran.

Nang dumating sila sa ampunan ay sinalubong siyang mag-isa  ni Gage Morris dahil bumalik na raw ng Pilipinas ang kakambal nitong si Siege kaninang umaga.

"Thank you for coming, Mr. Faustino."
Wika ng binata habang kinakamayan siya. "The kids are excited to meet the man behind the huge donation they received." Tipid ngiti nitong sabi.

Iyon ang kaibahan ng magkapatid. Mas seryoso si Gage at mas pormal kapag nakikipag-usap. Samantalang maloko at mas magaan kausap si Siege sa labas ng trabaho ngunit halimaw naman daw kapag nasa operating room.

"You don't need to do this." Sagot niya. "I was planning to do it anonymously. I don't want to make a huge deal about this. I just want to help the children."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now