Chapter Thirty One

1.7K 97 19
                                    

Alpha Team is now falling apart. He never thought that this could happen, he thought that they were unbreakable. How could his teammates throw away their sworn oaths that they should always display loyalty to their organization?

"Kape ka muna." Alok sa kanya ni Viper pagkalabas niya mula sa kwarto ng team nila.

"Thanks." Sagot niya at saka kinuha ang mug mula sa kamay nito.

Medyo masakit din kasi ang ulo niya dahil wala pa siyang tulog simula kahapon nang bumalik siya sa HQ.

"I heard you and Hacker got in a brawl fight yesterday." Anito na nagpabaling sa kanya.

Magaan sana ang araw niya kahapon pagkagaling kay Carrera dahil nakapagpahinga siya kahit kaunti. Ngunit nang dalawin niya ang dalawang kasamahan sa loob ng kanilang selda ay nagka-sagutan sila ni Hacker at nauwi sa away.

"Yeah. Sorry that I punched your mighty Stewart. Gago kasi eh." Sagot niya sabay higop sa kape.

"Okay lang, tama lang din yun sa kanya para matauhan siya." Sagot nitong nakasimangot.

Alam niyang may pagtingin ito kay Stew at hindi iyon naging lihim sa lahat.

"You should've made a move before para hindi na nagkagusto sa iba si Hacker. Hindi sana nangyari ito." Tukoy niya sa ginawang pagtatraydor ng kaibigan.

"Immune siya sa ganda ko kaya walang nangyari sa dalawang taon kong pagpapapansin sa kanya." At humigop din ito sa hawak nitong mug.

Naputol lang ang pag-uusap nila nang lumapit sa kanila si Cypher.

"Something's wrong, I can't locate Chief." Nababahalang inporma nito sa kanila.

"What do you mean you can't locate him?" Tanong niya.

"He went out yesterday and he ordered me to keep a track on him. Naka-activate naman ang mga tracker niya kaya walang problema. But this morning, it suddenly disappeared. I can't find him. Sinubukan kong maghanap ng mga CCTV sa lugar kung saan ko huling na-trace ang tracker niya pero wala eh. I even asked the other agents to investigate the place but they said that it's a dead road. Chief is missing."

"You mean someone abducted Einstein?" Paniniguro pa ni Aphrodite.

"Yes." sagot ni Arc na tumingin pa sakanya. "This is really bad, Dagger. Someone is bringing this organization down."

Alam niyang totoo iyon dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari. Ang tanong nga lang ay kung sino nga ba ang taong nasa likod niyon.

"Gather all the help that we can get to find Chief." Aniya na ang nasa isip ay pakawalan na din pansamantala muna ang dalawang kasamahan na nakakulong.

Sinabi na din niya kay Sniper ang nalaman at ito na ang inutusan niyang magpalaya kina Hacker at Striker. Sakto naman na nakasalubong nila ang Team Bravo sa hall.

"Oh look, there's the traitors of SIATT." Pang-aasar ni Maxwell. "Bakit mo sila pinalaya? Sasali ka na din ba sakanila? Are you going to betray us too?" Sa kanya na ito nakabaling.

Nabwisit na siya sa mga patutsada nito kaya naman walang pag-aalinlangan niyang sinuntok ito sa mukha. Gumanti din ito ng suntok kaya binalikan din niya ito. Naki-sali na din ang iba pang mga ka-grupo nito kaya naman sumali na din si Hacker at nag-away away na sila roon.

Sina Sniper at Striker ang umawat sa kanila, at naki-awat na din ang iba pang agents na naroon. Hindi na tumulong ang grupo ni Maxwell sa paghahanap sa kay Chief at umalis na lang sa HQ.

Nang dumating na sina Archer at Ryder ay pare-pareho nilang pinuntahan ang mga bihag upang tanungin kung may nalalaman ba ang dalawa sa pagkawala at kinaroroonan ni Einstein.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon