Chapter Twenty Two

1.6K 88 12
                                    

"Aray naman, Miss Nurse!" Reklamo sakanya ng pasyente. "Halos hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko ah. Lahat na yata ng dugo napunta na sa kamay ko dahil sa mahigpit na pagkakabalot ng BP cuff mo!"

Doon lang siya natauhan at itinigil na ang pagbomba sa BP cuff. Napasobra nga ang ginawa niya kaya humigpit ito nang husto.

"Naku pasensiya na po." At saka niya tinanggal ang hangin doon sa aparato para matanggal na iyon sa braso nito.

"Ako na lang po ang mag-check sa BP niyo, Madam." Salo naman sa kanya ni Porsche. "Medyo masama kasi pakiramdam nitong kasama ko eh." At sinenyasan na siyang lumabas ng kwarto.

Sinunod na lang niya ang kaibigan upang hindi na magalit pa ang pasyente at baka magreklamo pa ito na ikatanggal niya sa trabaho.

Pagkalabas niya ay bumalik na siya sa Nurse's station. Nagcheck na siya ng mga patient's chart at inisa-isa na niyang inihahanda ang mga ibibigay na gamot sa bawat pasyente.

"Nurse Carrera, are you done scheduling the patient from room five one two for his CT scan tomorrow morning?" Biglang tanong ni Dr. Co sa likod niya kaya napalingon siya rito." "Kailangan ma-prioritize yun para sa operation niya on the next day."

Shit!

Hindi niya pa nagagawa dahil nawala sa isip niya kanina at ngayon ay hindi niya alam kung papaano sasabihin rito.

"Ahmmm, Doc-"

"Yes Doc, okay na po yun. He is scheduled at eight in the morning, kaya nasabihan ko na po yung pasyente na pagdating po ng twelve midnight, bawal na po siyang kumain o uminom ng kahit ano." Muling salo sa kanya ni Portia na nakabalik na galing sa kwarto ng isa sa mga pasyente roon.

"Good job." Puri ng doktor rito na pinisil pa ang dalaga sa balikat nang may halong kaunting malisya.

May pagka-manyakis kasi ang doktor na iyon kaya't halos lahat ng babae na nagtatrabaho roon, mapa-nurse man, lab tech o doktor ay umiiwas rito.

Nakahinga na siya nang maluwag nang umalis na ito roon.

"Thank you so much, Friend!" Na niyakap pa ito nang patagilid. "You're my savior na talaga." Natatawang sabi niya.

"Pasalamat ka talaga at parati akong narito at nakabantay sayo noh! Aba, dumadalas na yang pagka-makalimutin mo ha, at pati na rin yang pagiging tulala mo minsan. Palagi na lang malalim yang iniisip mo eh. Ano si yummy Krae pa rin ba? Di ka pa din maka-move on? Partida ha, wala pa nga nangyayari sa inyo, di mo na siya makalimutan? Eh paano pa kaya kung natikman mo pa siya noong bago siya umalis? Naku, for sure mas lalo kang di makakalimot, o kung makalimot ka man, pangalan mo lang siguro ang makakalimutan mo dahil sa sobrang sarap. At baka hahanap-hanapin mo pa kasi di ka na makakatulog." Sabay tawa nito na nang-aasar.

"Tumigil ka na nga dyan! Bruha ka talaga kahit kelan noh?!" Inis niyang balik.

"Ikaw kasi eh, nagpakipot ka pa. Dapat isinuko mo na lang yang Bataan mo noon para hindi na siguro siya umalis." At muli na namang tumawa. "Eh di sana masaya na ang lab-layf mo at active din sana ang sex-layf mo noh! Hanggang ngayon tuloy beer-gin ka pa din teh! Baka mabulok na yan nang hindi man lang nakakatikim ng malaking hotdog!"

"Tumigil ka na sabi eh! Bunganga mo talaga, Portia walang filter noh?!" Sabay kurot niya sa tagiliran nito.

Palibhasa kasi ay naka-experience na din ito nang hindi man lang ikinukwento sa kanya. Akala nga niya ay mauuna pa siyang makatikim sa ganoong bagay pero naunahan na siya nito.

"Asus, if I know iniisip mo din yun noh? Grasya na kasi pinakawalan mo pa! Ang arte mo kasi, friend eh. Di na uso ang pakipot ngayon kasi tatanda kang dalaga at mamamatay kang masikip! Gets mo?!" Patuloy pa din nito.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz