Chapter Twenty Three

1.7K 96 7
                                    

"Good morning!" Bati niya agad sa babae na kalalabas lamang mula sa kwarto at bagong gising. "I hope you won't mind that I went over your food stocks and made some breakfast." saka inihandog ang mga niluto niya.

Napatulala lang ito at hindi kaagad nakapagsalita.

"Wow!" Anito ngunit hindi naman mukhang natuwa. "Thank you pero sana hindi ka na nag-abala pa." Na akmang kukuha ng kape ngunit inunahan na niya agad at siya na ang nagtimpla.

"Here." Sabay abot rito ng tasa. "Ayos lang naman. Hindi rin ako nakatulog masyado kaya maaga akong nagising. Ginawan ko na din ng baon si Crane." Excited pa ang boses niya at ipinakita ang lunch box para sa bata.

"Oh." Alanganin ang naging ngiti nito. "Thanks but Crane will not be going to school today. I won't be going to work as well and will just stay here the whole day." Pagkatapos ay matapang na siyang hinarap. "You know, to prepare for your sad farewell. Gusto ko lang na gawing mas madali at mas magaan para sa anak ko ang muli mong pag-alis."

Naintindihan niya ang nais nitong sabihin at naiintindihan rin niya kung bakit  nito iyon ginagawa. Kaya ayos lang sakanya kahit napunta lang sa wala ang hinanda niyang baon para sa anak, at pati na rin sa babae dahil maski ito ay ipinaghanda rin niya ng babaunin sana.

"I understand." Mababang sagot niya.

Sabay silang napalingon nang bumungad sa kanila si Crane na nag-uunat pa habang humihikab.

"Daddy!" Sabay takbo papunta sa kanya. "I thought you already left! Buti na lang pala gumising ako nang maaga para bago ako pasok sa school ko nakita kita." Binuhat niya ito at saka niyakap. "Pwede po magpahatid sa school bago ka po alis? Please?" Pagmamakaawa nito.

"Well, Mommy said that you'll skip school today, so I'm thinking that we should spend the whole day just the three of us." Nakangiti niyang pahayag habang kinukurot kurot ang pisngi ng bata.

"Really? Yehey!" Masiglang sigaw nito. "Are we just going to play the entire day?"

"Whatever you like, buddy." Aniya.

"Okay. Let's play and then we'll watch movies later and then we'll help Mommy in the kitchen." Sabay baling naman nito sa ina. "Mommy, can we bake cookies later?"

Nagkatinginan silang saglit ng dalaga at alam niyang nagdadalawang isip ito kung papayag ito sa mga gusto ng bata. Alam niya na inaasahan nito na aalis na siya ngayong umaga din at magpapaalam nang maayos. Ngunit hindi rin niya alam kung bakit hirap siyang gawin iyon at mas gusto na muna niyang makasama ang mga ito.

He knows he is the one who is complicating things for himself, but he is also justifying his acts and he still keeps on reasoning inside his head that this isn't permanent. That he is just spending his spare time, that's all.

"Sure Baby love, whatever you like." Sagot nito at saka hinalikan pa ang bata kaya naman halos magkalapit na din ang mga mukha nila dahil karga niya si Crane.

Ito na ang kusang umiwas at tumalikod. Ibinaba na lang din niya ang bata sa may upuan at ipinaghanda na ng agahan.

"Kumain ka nang marami ha." Untag niya sa bata. "Try my pancakes." Sabay lagay sa plato nito. "I know Mommy makes the best fluffy pancakes but mine's pretty tasty and edible too." Pagmamalaki niya.

Tumawa naman ito at saka sumubo nang malaki. Nag- two thumbs up pa ito sa kanya para iparating na okay naman ang niluto niya.

"Not bad." Si Carrie naman ang pumuri habang ngumunguya. "You're not only good with guns and in hand to hand combat, but you're also pretty good in the kitchen too."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now