Chapter Ten

1.8K 91 5
                                    

She didn't prepare herself from this moment. Watching this father and son scenario was far from what she had imagined. There is nothing she could do right now but to hold her breath and control herself not to utter a single word.

Let them be.

Untag niya sa sariling isipan habang pinapanood ang dalawa sa ganoong sitwasyon. Hindi siya makapaniwala na ngayon mangyayari ang ganoong pagtatagpo ng dalawa. Akala niya hindi na iyon matutupad dahil sinabi sakanya mismo ni Krae na hindi ito naniniwala sa kanya. Kaya nagulat siya nang ito mismo ang nagpakilala sa sarili nito sa bata.

"Y-you're my Daddy?" Narinig niyang tanong ng anak niya at saglit lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Yes, I am." Walang kakurap-kurap na sagot ng lalaki.

"Is he really my Daddy, Mommy? Is he telling the truth? Is he really the one?" Sa kanya naman bumaling ang bata na halatang humihingi ng saklolo sakanya.

Napalunok muna si Carrie bago dahan dahang tumango.

"He is baby. He is your father." At saka ngumiti. "Mommy made a promise right? I promised to bring Daddy home with me."

Medyo nanginginig pa ang boses niya dahil sa hindi mapigilang emosyon. She knows how important this is to her son. Finally, he met the man he longed for so long.

Napatakip siya ng bibig nang biglang umakap ang anak niya habang pumalahaw ng iyak sa dibdib ni Kramer. Masyadong emosyonal ang pagtatagpo ng dalawa at nahihirapan siya sa nakikitang reaksyon ng anak niya.

"Bakit ngayon ka lang, Daddy? I've been waiting for you to come and look for us. I've been waiting for you for so long. I have always wanted to have a Daddy." Crane said while sobbing.

"I'm so sorry." At mas hinigpitan pa ng lalaki ang pagyakap sa bata. "I'm sorry for being this late. I'm sorry for not finding you earlier. I'm sorry for not knowing you, for not being with you from the moment you were born. If only I could turn back the time, I'd come looking for you no matter what." Pilit nitong hinahagod ang likod ng anak niya.

Kahit siya ay lumuluha nang tahimik. Hindi niya mapigilan ang maging emosyonal rin para sa dalawa. Masaya siya na nagkita na ang mag-ama, ngunit kasabay niyon ay nakaramdam din siya ng takot para sa pupwedeng mangyari, lalo na't may lihim siyang itinatago.

"Baby Love." Aniya at lumuhod na rin sa may bandang likuran ng bata. "Stop crying na, you're having difficulty in breathing." Wika niya habang hinagod din niya ang likod nito kaya naman nagdikit ang kanilang kamay ng lalaki.

Nagtama ang kanilang mga mata at kita niya na medyo namumula na din ang mata nito at halatang pinipigilan lang ang maiyak.

"Breathe slowly, little buddy." Utos ni Krae sa bata. "Come on." Ginawa naman iyon ni Crane ngunit naubo nang kaunti.

"Yaya Mila, pasuyo po, pakuha naman po ng tubig sa baba para kay Crane." Paki-usap niya dahil nakikita niyang nahihirapan na talaga ang bata.

Ayaw umalis sa pagkakayakap sa ama ang anak niya. Para bang natatakot ito na kapag binitiwan nito ang lalaki ay bigla itong mawala. Ganoon pala kabigat ang nararamdaman ng bata na kay tagal pinangarap ang pagkakataong ito.

"Easy. You have to breath, son. Hey." Ani Krae habang sinusubukang ilayo ang bata mula rito para makita ang mukha nito, ngunit ayaw bumitiw ng anak niya. "It's alright, I'm not going anywhere. I'm gonna stay right here, with you." At hinaplos nito ang ulo. "You have to calm yourself and breathe."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now