Chapter Twenty Eight

1.7K 80 10
                                    

"Are you sure about this?" Tanong niya kay Archer na nagpaplanong sagipin ang anak ng sekretarya ni Thompson. "What if she's lying and this was only a set up to trap you?"

Tiningnan naman siya nito at pinamaywangan.

"Do you think I'm that easy to be tricked on? Am I that stupid to fall for her schemes if she was really setting me up?" At saka siya inirapan. "Come on, Dagger, give me some credibility here. I know if a person is telling the truth, and Andrea was telling the truth. Her son is in trouble and we have to help her!"

"Okay, enough of this discussion." Singit na ni Chief. "Hacker will go with you. Do whatever it takes to retrieve the boy and finish the end of your deal with Andrea." Utos nito kay Avi na tinanguan naman ng babae.

Tinapunan lang siya ng isang matalim na tingin ni Archer bago lumabas ng kwarto kasama si Hacker.

"Kung nakakamamatay lang ang tingin, bumulagta ka na sana dyan." Sabay halakhak ni Sniper.

Siya naman ang tumingin nang masama rito bago bumalik sa kanyang pwesto at gumawa ng report sa nangyari kagabi sa party. Habang nagta-type siya ay napahinto siya nang tumunog ang kanyang celphone.

It was a text from Carrera.

What time are you coming home?

Iyon ang unang text na sinundan pa ng isa makalipas ang ilang segundo.

Dito ka ba sa bahay magdi-dinner?

Na sinundan na naman ng isa pa.

What do you want for dinner? I'll cook for you, just name it.

Na sinundan ulit ng isa pa.

You want Pochero? Bulalo? Sinigang for soup? How about Beef Casserole? Or Chicken Stroganoff? Want do you want for dessert?

Sunod-sunod ang mga naging tanong nito na halos hindi na niya masabayan. Ni hindi na niya alam kung anong uunahin niyang sagutin sa dami.

"Someone's phone is busy, huh?" Si Sniper ulit na nang-aasar na naman sa kanya.

"Yes it is, and it's kinda annoying!" Inis niyang balik kaya naman pinatay niya ang cellphone niya para manahimik na iyon sa pagtunog.

Ni hindi pa nga niya nagawang sagutin ang mga tanong ni Carrie ngunit nasa trabaho siya at ayaw niyang nagugulo siya.

"Luh, dapat nga matuwa ka eh, dahil may nakakaalala sayong magtext. Samantalang ang iba, halos mamuti na mga mata sa kababantay sa mga cellphone nila pero hindi naman tumutunog." May hugot pa ang dating ng pananalita nito. "You know what, Dagger, para kang si 'Crush' na mahilig magseen zone lang eh. Nakakabwisit kaya yung ganun."

"What?" Inis niyang balik. "I can't even understand what you are trying to say."

Rumolyo naman ang mga mata nito sabay tayo sa kinauupuan nito.

"Hay naku, dyan naman talaga kayo magaling na mga lalaki eh! Puro maang-maangan, kunwari hindi naiintindihan, kunwari walang alam! Pero ang totoo, ayaw niyo lang harapin ang katotohanan, ayaw niyo lang aminin sa sarili niyo na gusto niyo rin! Mga duwag! Mga walang bayag!" Malakas nitong sigaw at padabog na lumabas ng kwarto nila.

Nagtataka naman siya sa inasal ng kasamahan. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Striker nang sila na lamang ang naiwan roon.

"I certainly didn't understand what she was saying." Tukoy niya kay Reese. "But I'm sure that it wasn't me who she was talking about because I have balls and it's right here!" He said while pointing on his crotch area.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now