Chapter Thirty Three

1.8K 94 18
                                    

Pain is a sudden hurt that can't be escaped. It lingers and it feels like a stab wound in the heart. And it seems like her heart had been torn apart from his harsh words.

Hindi niya alam kung ganoon ba talaga kasakit ang mga binitiwang salita ni Krae o baka dahil nagiging mababaw lang ang emosyon niya dahil sa pagbubuntis niya?

Ni hindi nga niya alam kung paano siyang nakauwi sa tinutuluyan niyang unit ng binata matapos nitong ipagtabuyan siya sa ospital nang gabing iyon, lagpas isang linggo na.  Magdamag niyang iniyakan ang ginawa nito hanggang sa wala na siya halos maiyak dahil naubos na ang mga luha niya.

Damn hormones!

Paninisi pa niya sa katawan niya dahil pakiramdam niya ay nagiging iyakin na siya nang sobra. Ngunit naisip rin naman niya na masyado nang masasakit ang ginagawa sa kanya ni Krae at hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang magtiis at hanggang kailan siya lalaban.

Alam naman kasi niya na may pinagdadaanan lang ito ngayon kung kaya't nakapagsalita ito nang hindi maganda sa kanya. Madami na itong problemang kinakaharap sa trabaho at ngayon naman sa pamilya, kung kaya't gusto niyang intindihin ito.

Wala siyang ganang kumain nitong mga nakalipas na araw ngunit pinipilit niyang lamanan ang tiyan para sa ipinagbubuntis niya.

She didn't leave like how he wanted her to just disappear. She's still waiting for him to visit her and to talk to her because she has still something to tell him.

Iniisip niya na baka kapag nalaman nitong buntis siya ay may magbago na sa pagitan nila. Ngunit hanggang ngayon ay hindi man lang siya nito tinatawagan para kamustahin, at nauubos na din ang mga stock niya ng pagkain roon.

Sabi kasi nito noong lumipat siya roon ay huwag siyang lalabas at ito na ang bahalang magpadala ng mga kakailanganin niya. Samantalang ngayon ay wala na talaga ata itong paki-alam sa kanya. O paraan nito iyon para sumuko na siya at tuluyan nang umalis.

Nilunok na niya ang lahat ng pride niya dahil nananatili pa din siya roon. Mahal niya ito at gusto niyang ipaglaban ang nararamdaman niya, ngunit hindi na niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang magring ang phone niya at ang anak na si Crane ang tumatawag.

"Hello Baby Love." Bungad niya na sinamahan pa niya ng ngiti dahil isang video call iyon.

"Hi, Mommy!" Masayang bati nito sakanya. "Are you sick? You look pale." Puna ng anak sa kanya.

"Mommy's not feeling well but now that I see you already, I feel a little better." Pinalawak pa niya ang ngiti.

"I miss you, Mommy. When are you coming home? Uwi na kayo ni Daddy dito." Nakangusong sabi nito sakanya.

Parang biglang may bumara sa lalamunan niya at nahirapan siyang sumagot. Paano nga ba niya sasabihin sa anak na kung uuwi man siya ay baka hindi niya kasama si Krae? Na baka malabong mabuo sila bilang isang pamilya? Ayaw niyang masaktan ito at mas lalong ayaw niyang umasa ito sa lalaki dahil mauuwi lang sa wala ang lahat.

"I miss you too, Baby Love." At hindi na niya napigilan ang mapaiyak. "I'm sorry." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha.

Lumungkot naman ang mukha ng bata habang nakatingin sa kanya.

"Stop crying, Mommy. Just go home. If Daddy doesn't want to come then it's okay. Masaya naman tayo kahit tayong dalawa lang diba?" Tanong pa nito na lalong nagpa-iyak sa kanya.

"Crane, Baby-" tawag niya.

"It's alright, Mommy. I'm fine. We will be fine as long as we're together. You are more than enough for me. Kung ayaw niya sa atin, eh di bala siya! Ayaw na din natin sa kanya!" Anito na mabilis pinunasan ang luha sa mata. "Basta uwi ka na. Leave him."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt