Chapter Thirteen

1.8K 85 3
                                    

"Remember to stay focus before you aim your gun and pull the trigger." Dagger said as he watches her assemble the gun on the table.

Kasalukuyan silang nasa isang firing range na malapit lang sa kanyang safe house. Ilang araw na din niyang tinuturuan ang babae na gumamit ng baril gaya ng hiling nito.

Noong una ay hindi siya pabor sa gusto nito. Ayaw niyang matuto itong humawak ng baril dahil delikado. Ngunit naiintindihan din niya kung bakit nito kailangang mag-aral dahil papaano na nga naman nito maipagtatanggol ang sarili at ang anak nila kapag wala na siya.

So here they are, practicing and refining her methods. Noong una ay nahihirapan pa ito, ngunit mabilis namang turuan. Nakaka-asinta na din ito pagkatapos ng ilang rounds kaya alam niyang kaya na nitong tamaan ang kalaban pag nagkataon.

"What else did I tell you?" Patuloy niya habang nakatayo sa gilid ng babae.

"Never point a gun unless you intend to shoot, never shoot unless you intend to kill." Sagot nito.

He turned to his side so he could hide his smile for having a smart student.

"Good." Papuri niya. "Coz when you aim a gun at something, you shoot it. You don't aim a gun for nothing. You don't point a gun at anyone unless you're planning to use it."

"Oo na po." Sarkastikong sagot nito.

Nang maisuot na nito ang eye and ear shooting protection ay nagsimula na ito sa pag-asinta sa target. Nasa likuran lang siya at nanonood, nag-oobserba.

"Relax, take a deep breath and tighten your muscles here." Aniya sabay hawak sa magkabilang braso nito. "Now, shoot again." Utos niya.

Naka-sapul ito nang tatlong beses sa ulo at dalawa sa may leeg.

"I feel like a pro already." Masayang wika nito habang nagsisimulang magreload ulit ng bala. "I'm going to take another round." Paalam nito.

Sakto naman na nagring ang cellphone niya kaya naman nagpaalam muna siya na sasagutin ang tawag at iniwan ito roon.

"I've got a news for you Dagger." Bungad sa kanya ni Hacker. "The Chavez brothers has arrived in Manila and are looking for you. You better move first before they could find you."

Naitawag na kasi niya sa Headquarters nila ang nangyari sa kaniya at kung bakit siya nasa Pilipinas ngayon. He told them everything except the part that he is personally related to Carrera and Crane.

Humingi na rin siya ng tulong para matapos na niya ang problema rito at nang makabalik na siya sa States dahil may misyon pa siyang naka-abang roon.

Pinahanap niya kay Stew ang magkapatid na Jose at Juan Chavez at pinasiguro niya na lalabas na ang mga ito sa lungga nito sa Brazil. Gusto niyang siya ang puntahan ng dalawa rito sa Pilipinas para dito na din niya tatapusin ang laban.

Mas madaling kausapin ang gobyerno rito kaysa sa Brazil dahil pinagtatakpan nila kung minsan ang mga ilegal na gawain roon.

"I will find them first and I'm the one who's gonna give them a surprise." Sagot niya.

"What's your plan? Are you going to bring them in or are you going to....?" Ibinitin pa nito ang tanong.

"The latter." Direchong sagot niya. "Kailangan mabawasan na ng masasama sa mundo."

"Are you gonna do it alone?"

"I work well when I am alone." Mayabang niyang sagot.

"Tss! You don't have to sound so cocky, remember you have a team back here!" Inis nitong balik sa kanya. "It's better that you ask some back up from Gunner so he could do the 'cleaning' after.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon