Chapter Twenty Seven

1.6K 84 10
                                    

"Remind me why am I doing this?" Tanong niya kay Porsche sa kabilang linya ng telepono.

"Kasi nabuntis ka niya!" Sarkastikong sagot nito sakanya.

"Hindi ba ako magmumukhang desperada nito?" Nag-aalalang tanong niya. "Noong una hinabol ko na siya dahil inakala ko na siya ang tatay ni Crane. Ngayon naman, hahabulin ko na naman siya dahil sa nabuntis niya ako?"

"Atleast ngayon sigurado ka na, na siya ang ama ng dinadala mo noh!" Mabilis nitong balik sa kanya na ikinangiwi naman niya.

May punto nga naman ang kaibigan niya, hindi siya pupwedeng pagdudahan ng binata dahil birhen siya nang nakuha siya nito. At ito lamang ang nakasiping niya kaya't walang duda na ito ang ama.

"But what if he doesn't want anything to do with the baby?"

"Then move on. Kayang-kaya mong palakihin mag-isa ang bata nang walang tulong galing sa kanya. Sanay ka na dahil hindi ito ang unang beses na ginawa mo iyon. Kung kay Crane nga na pamangkin mo ay nagawa mong maging mabuting ina, eh pano pa kaya sa sarili mong anak diba?" Anito na hindi naman nakabawas sa kabang nararamdaman niya.

"Hindi ko na alam kung ano nga ba ang gagawin ko." At napakagat labi upang mapigilan ang mapaluha.

"Tutal, nandyan ka na rin lang, eh di gawin mo na ang dapat mong gawin. And besides, alam ko hindi lang naman dahil sa ipinagbubuntis mo ang dahilan kung bakit ka nagpunta dyan diba?" Na may tonong pang-aasar.

Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi sinagot ang tanong ng kaibigan.

"Sige na, balitaan na lang kita. Hindi ko alam kung magkikita kami ngayon dahil nasa field pa daw siya. Kanina pa ako dito at hindi ko alam kung babalik pa siya rito dahil anong oras na rin." At saka sinipat ang relo na nasa alas onse na ng gabi.

Tinapos na din niya ang tawag at saka binigyan pa ang sarili ng kalahating oras na maghintay roon. Naalala niya na dito nagtatrabaho ang binata kaya dito siya unang nagpunta pagkalapag niya sa airport. Ngunit nasaktohan naman na may trabaho ito kaya wala roon at hindi alam kung babalik pa o bukas na magrereport ulit.

Mahigpit niyang hawak ang handle ng maleta niya habang nagbibilang dahil ilang minuto na lang ay balak na niyang umalis. Baka mamaya kasi ay wala na siyang mahanap na available na hotel na malapit lang din doon.

Nang pitong minuto na lamang ang natitira ay bigla siyang napalingon nang marinig ang pangalan niya.

"Krae." Mahina niyang tawag at saka tumayo ngunit hindi niya magawang lumapit dahil nahihiya siya.

"What are you doing here?" Tanong nito nang makalapit na sa kanya sabay napatingin sa maleta sa tabi niya.

"Well, I-I'm... I'm..." Nauutal niyang sagot na hindi matuloy tuloy ang gustong sabihin.

Sa totoo lang kasi ay hindi niya alam kung ano nga ba ang sasabihin niya sa lalaki. Ni hindi niya pinaghandaan kaya naman nagmumukha siyang tanga sa harapan nito.

Mas lalo naumid ang dila niya nang may natanaw siyang lalaki na pumasok at nakatingin sa kanila.

"Late night client or late night visit?" Ani ng lalaki na kay Krae nakatingin.

Hindi naman ito sinagot ng binata kaya  ngumiti na lang ang lalaki nang may halong pang-aasar bago naglakad palayo.

"Don't mind him." Anito sa kanya dahil nakayuko na siya. "Why are you here, Carrie?"

Nararamdaman niya ang ginagawa nitong paninitig sa kanya kaya naman mas lalo siyang kinakabahan. Siguro naman ay wala namang nagbago sa itsura niya at hindi pa naman halata na ang pagbubuntis niya dahil hindi pa naman lumalaki ang puson niya dahil mahigit tatlong linggo pa lang ang nasa tiyan niya.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon