Chapter Thirty Five

2.3K 138 42
                                    

He placed down the fresh flowers he brought on the side and lit some candles after. He silently offered a prayer for her. He wished for her to be at peace already and to be happy wherever she is.

"Do you miss, Mommy?" Tanong niya sa anak habang kinakarga ito.

"Very much." Malungkot na sagot ni Crane. "Miss ko na pag nikikiliti niya ako. I also miss her fluffy pancakes and her chocolate chip cookies." Nakangusong patuloy nito.

"Me too. I miss Mommy so so much." At saka tiningnan ang anak. "Was my pancakes not fluffy enough for you?" Nagtatampong tanong niya.

"Well..." parang nag-iisip pa kung ano ang isusunod na sasabihin. "It's fluffy and delicious, pero iba pa din ang gawa ni Mommy eh."

He chuckled because he knows exactly what his son meant.

"I know, little buddy." At saka muling tumingin sa lapidang nasa harapan nila.

Napangiti na lang siya dahil nabawasan na ang bigat ng nararamdaman niya kahit papaano. He is now moving on with his life together with his son.

"Do you think she's happy in heaven?" Tanong ng anak na nagpangiti sa kanya.

"I'm sure she is because you came to visit her." At saka hinalikan sa pisngi ang bata. "Come on, you say goodbye to her because we need to leave. Tita Yasi will bring her boyfriend in the house and we need to act tough to scare the man."

Tumawa naman ito bago sumunod sakanya.

"Bye-bye Tita Kassie. Hope you're happy there in heaven together with Lola." Na tumingin pa sa kabilang lapida kung nasaan nakalibing din ang kanyang ina.

Pinakatitigan niya saglit ang dalawang lapida bago tumango at nagpaalam rito. Magaan na ang loob niya at kaya na niyang bumalik roon para muling dumalaw.

Naipaghiganti na din niya ang kapatid at oras na para palayain na niya ang sarili mula sa madilim na nakaraan ng buhay niya. It's time for him to move on and set a new course.

Sa bahay nila sa San Ignacio sila naka-stay ngayon dahil bukas ang double wedding ng mga kasamahan niyang sina Archer at Ryder at lahat ng agents ay imbitado.

Kasama niya sa bahay ang ama at bisita nila ang mga tumayong ina ni Yasi na sina Harold at Cynthia Evans.

"What is taking them so long?" Tanong ni Harold habang halatang naiinip sa pagdating ni Yasi.

Kakatext lang sa kanya ng dalaga na dadaan ang mga ito saglit sa puntod ng kapatid at ina. Hindi pa sila nagpang-abot roon kaya naman kahit siya ay naiirita dahil sa katagalan ng dalawa.

"I'm so ready to skin that man alive." Segunda pa ng amang si Kraig. "Are you ready to do that to, Harold?" Baling nito sa matandang lalaki.

"Heck you bet, Kraig! He should better be ready coz Yasi's two Dads will beat the shit out of him." Anito na ikinatawa nilang lahat.

"You forgot about the older brother." Sabi niya sabay taas ng kamay. "I want to kick his ass too!" Sabay tingin sa anak na nakamata lang sa kanila. "And of ourse, my son will have to punch him in the nose, right, Crane?"

Tumango naman ang bata kaya nagtawanan silang muli.

"Oh stop it, you three! Stop teaching kids violence!" Awat ni Cynthia sa kanila at saka kinuha pa si Crane at kinandong. "Don't listen to them, pumpkin. No one is beating anyone later. We will only talk like normal people."

Nagkatinginan lang silang tatlong lalaki doon habang mga nakanguso. Maya-maya pa ay dumating na ang hinihintay nila at sigurado siya na kabadong kabado ang itsura ni Bricks ngayon.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now