Chapter Fifteen

1.7K 91 4
                                    

He felt exhausted from last night's mission so he overslept and got up late. Sinalubong naman siya ng anak na si Crane pagkababa niya mula sa kwarto. Nanonood ito ng tv kasama ang Yaya  habang hindi naman niya makita ang ina nito.

"Where's your mom, Kiddo?" Tanong niya habang kukuha sana ng kape.

"She went out to buy something." Sagot nito na nakatutok ang paningin sa pinapanood na cartoons.

"She went out?!" Malakas niyang tanong kaya naman napalingon na ang bata sa kanya. "Where did she go?"

"She said she'll be going to the grocery store. Mommy wants to cook something special for you, Daddy." Na lumapit pa sa kanya. "What's wrong?"

Siguro ay nahalata nito ang pagkabalisa niya kaya naman lumuhod siya para magpantay sila.

"Nothing. I'm gonna go after your Mom, so you just stay here inside the house, okay? Don't go out, do you understand?" Tanong niya na tinanguan naman nito.

His son is only four years old but he's smarter than the kids his age and he's so proud of that. Binilinan na din niya ang Yaya nito na huwag na huwag lalabas o magbubukas ng pinto sa kahit na sinong kakatok roon.

He also activated the house's security alarm, just in case something goes wrong. And before he leaves, he made sure that he got it all covered by checking the camera if it's working properly. He's taking a small monitor with him so he could be notified if someone tries to enter the house.

Kaagad siyang sumakay ng kotse at nagmaneho sa pinakamalapit na supermarket roon dahil alam niyang doon lamang pupunta ang babae. Ni hindi na nga niya nagawang iparada ang sasakyan sa tamang parkehan at basta na lang niyang ibinalandra sa harapan.

Sa security office siya dumirecho para mas mabilis na mahanap ang pakay. Mabuti na lang at madali niyang napaki-usapan ang guard dahil sa ID na ipinakita niya bilang isang international agent.

Doon ay nakita niya sa monitor na naroon ang babae sa may parking area at may tatlong lalaking sumunod rito. Namukhaan niya ang isa na siyang nakaharap din niya kahapon sa may firing range.

Bago siya sumugod ay inutusan niya ang guard ng lugar na iyon na tumawag ng pulis para maipahuli ang mga lalaking nanggugulo sa babae. Kumaripas na siya ng takbo sa kinaroroonan ni Carrie at kita niya ang pang-haharass na ginagawa rito.

Para namang may pumitik sa kanyang isipan kaya hindi na siya nagdalawang isip na maghamon ng away sa tatlo. Kung alam lang niya na ganito ang gagawin ng gagong iyon ay dapat hindi na sa gilid ng tenga nito siya nagpaputok, kundi dapat sa mismong ulo na nito iyon itinutok.

"Let's knock him off." Wika ng isa sa tatlong lalaki at nauna nang sumugod sa kanya.

Noong simula ay panay lang ang iwas niya pero nabagot na siya kaya naman tinuruan na niya ng aral ang mga ito kaya naman mabilis niyang napatumba bago binalingan ng masamang tingin ang lalaking nakahawak sa palapulsuhan ng babae.

"You're dead!" Turo niya rito para iparating na seryoso siya sa kanyang banta.

Pero kaagad namang kumilos ito at iniharang sa harapan nito si Carrera habang nakapalupot ang braso nito sa may leeg kaya naman parang nasasakal na ang babae.

Pumalag naman ang dalaga at nakipagsagutan pa sa kalaban kaya naman mas nahihirapan siyang asintahin ang dapat asintahin.

"Stop moving, Carrera." Agaw niya sa atensyon nito. "Let me handle this."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now