Chapter Twenty Five

1.7K 89 4
                                    

"What do you have for us, Dagger?" Si Chief na nasa kabilang linya.

"I've learned that he will have a meeting with some of his business partners this midnight." Aniya na ang tinutukoy ay si Sanford na siyang panibagong misyon niya. "Hindi pa kasi ako nakakasali sa grupo kaya't hindi ako nabigyan ng imbitasyon."

"Then just spy on them and get all the information that we will need. I'll send Sniper to accompany you. She will be your counter attack if someone caught you." Anito sa kanya.

Narinig din niya ang pagbibigay nito ng order kay Reese na makipagkita sa kanya kaya nang matapos na ang paguusap nila ay pinutol na niya ang tawag.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanyang Maserati habang isinasandal ang ulo sa headrest ng driver's seat. Kagagaling lang niya sa pagmamanman sa kalaban at iyon nga ang nakuha niyang impormasyon.

It's been two weeks since he was back in the US and everything just seems the way it used to be.

Nang umalis siya para puntahan si Archer dahil sa pagreresign nito bilang bodyguard kay Thompson ay alam niyang nasaktan niya si Carrera. May obligasyon siya sa kasamahan bilang teamleader kung kaya't kinailangan niyang gawin ang bagay na iyon.

Naabutan pa nga niyang may tama ng bala ng baril si Avi dahil sa itinuloy pa din nito ang misyon na maging bodyguard at iniligtas si Warner. Siya din ang pansamantalang nagbantay sa pamilya ng binata habang naroon siya. Napauwi lang siya nang bigyan siya nang panibagong misyon ni Chief.

They learned that Oleg was associated with Sanford. Ito ang kasosyo sa negosyo ni Zurilenko at ito ang makapagtuturo sa kanila sa kung sino nga ba ang puno ng sindikato.

He was trying to enter their circle and he had to impose as a businessman who wanted to enter the business of drug trafficking. He found evidence that those men have a connection to the secret organization called FLAW.

Mas lalo siyang nabuhayan na makakuha ng sagot sa kung ano ba talaga ang nangyari sa bunsong kapatid. Kaya naman pilit niyang ginagawa ang lahat upang mahanap na ang mga taong responsable sa parehong kapatid.

Saglit na oras lang siyang naghintay sa pagtatagpuan nila ni Sniper.

"I'm going in blind but you will be my eyes. Make sure that no one will notice or else, this mission will be compromised." Utos niya sa babae.

"Noted. I'm ready." Anito na isinukbit na ang customized long range rifle nito.

Tumango na siya at mabilis na hinanda na rin ang sarili. He wore a mask to cover his face. Tanging mata lang niya ang nakalabas mula sa suot na head mask.

He moved stealthily, arriving at the premises of the abandoned warehouse. Sa isang gilid siya dumaan at humahanap ng pupwedeng mapasukan sa loob. May nakita siyang dalawang tauhan na rumoronda at pareho niyang binalian ng leeg at isinantabi niya ang mga katawan upang walang makakita.

"I've got eyes on the target, I repeat, I've got eyes on the target." Ani Reese sa earpiece na ang tinutukoy ay si Sanford. Marahil ay nakapwesto na sa itaas para kita nito ang lahat.

"Good. I'm almost in, too." Tugon naman niya habang pumapasok sa isang maliit na bintana.

Wala naman na siyang nakita pa na ilang mga nagbabantay kaya mabilis na siyang nakapasok sa pinaka-looban. Kailangan kasi niyang mas lumapit upang mas marinig niya ang mga gagawing pag-uusap nina Sanford at ng mga ka-sosyo nito.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now