Chapter Twenty Nine

1.5K 70 7
                                    

"What's happening?" Tanong niya agad pagkapasok na pagkapasok niya at ni Striker sa loob ng kwarto ng team nila.

"There's been a breach in our system." Sagot ni Sniper na bumaling naman kay Hacker na abala sa pagtipa sa keyboard nito. "What are you going to do now? How do you suppose to stop this?"

"I'm shutting our system down and build the firewall again to flush out the intruder." Anito at ilang saglit pa ay tumigil na ang malakas na tunog ng alarm.

"What happened? How did they enter our system?" Takang tanong ni Reese na kanina pa niya naging tanong sa kanyang sarili dahil ngayon ay iba na ang gumugulo sa isip niya.

"The real question is, who did that and why?" Seryoso niyang sabi habang pare-pareho silang nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

Nagkatinginan na lang sila roon nang marinig ang anunsiyo mula kay Einstein na magkakaroon sila ng isang malawakang meeting at lahat ng agents ay required na umatend.

Nagtataka talaga siya sa kung paano napasok ng kung sino ang system nila dahil sangkatutak na firewall ang ginawa ng mga computer geeks roon upang hindi ito basta-basta mapapasok.

Hindi iyon nawala sa isipan niya hanggang sa dumating na ang oras ng meeting. Nakatayo lamang siya sa isang gilid habang nakamasid sa lahat dahil mayroon siyang masamang hinala.

Hangga't maaari ay ayaw niyang mag-isip nang masama sa lahat ng agents roon ngunit sa nangyaring panloloob ay imposibleng hindi iyon sinadya. Hindi lahat ay kagaya niyang tapat sa tungkulin at maaaring mayroong isa sa kanila na traydor.

He glanced at the door and saw that Archer has regained her strength already and is able to attend their meeting too.

"Secure all our files and important documents. Make sure that they won't tap on any of it, specially the data base of the entire agents of this organization! Hindi maaaring makakuha sila ng impormasyon tungkol sa katauhan nating lahat dahil paniguradong gagamitin iyon laban sa atin." Mariing utos ni Chief.

Being an agent, he knows that their identity is their most valuable possession and they must do everything to protect it at all costs. That's why he never put any names under his, so no one can be used against him. And besides, he doesn't have any close related family so he really doesn't give a damn about it.

What about Carrera and Crane?

Biglang singit ng isip niya.

Papaano kung madamay ang dalawa? Paano kung ang mga ito ang gamitin laban sa kanya?

Impossible!

Sagot niya sa utak. Imposibleng gamitin ang dalawa dahil naging maingat naman siya kapag kasama niya ang mga ito at wala naman sa database niya ang mga pangalan kaya walang problema.

"Shit!" Malakas na mura ni Hacker kaya naman nakuhang muli ang atensyon niya. "I tracked down all the files and data bases that the intruder might have opened... and he did steal some info."

"What did the intruder stole?" Seryosong tanong ni Chief.

"All the records and details of the previous Chieff of SIATT together with some associates of this organization. And that includes the former Chief of Staff, General Suarez." Paliwanag ni Stewart.

Tila nag-echo naman sa pandinig niya ang naunang sinabi nito.

All the records and details of the previous Chief of SIATT......

Walang iba kundi ang kanyang ama na si Kraig Foster, ang dating Chief ng organisasyong kinabibilanangan niya. Tanging si Einstein lang ang nakakaalam niyon at wala sa mga kasamahan niya ang may alam ng totoo niyang pagkatao.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastМесто, где живут истории. Откройте их для себя