Chapter Twenty

1.7K 83 15
                                    

"I know, that was impulsive." Pag-amin niya bago isinandal ang katawan sa may pader sa gilid.

"Yeah, when you're impulsive, things go badly." Balik naman ni Hacker sa kanya. "Ang alam ko si Ryder lang ang impulsive sa ating tatlo eh, di ko alam na gumagaya ka na din pala. Sana sinabi mo na may kumpetensiyang nagaganap para sa title ng 'Most Impulsive Agent' nang sumali rin ako para masaya diba?" Nang-aasar nitong turan sa kanya.

Sinamaan na lang niya ito nang tingin at hindi na muli pang nagsalita.

"Let Striker check your wound." Si Sniper na sumimangot din sa kanya habang nakatingin sa sugat niya. "Simula nung bumalik ka rito ang init na palagi ng ulo mo at madalas na nauunang umaatake agad. Ano bang problema mo ha? Ano bang ginawa mo sa Pinas at umuwi ka nang ganyan? Tss! Buti na lang yan lang inabot mo! Hay!" Iiling-iling pa ito bago lumabas ng kwarto nila.

Kababalik lang nilang tatlo galing sa isang misyon. Sinubukan nilang manmanan si Oleg na may ka-meeting kanina lang. Ngunit dahil sa padalos-dalos niyang kilos ay nabulilyaso ang plano nila at nauwi sa pakikipagpalitan ng baril na naging dahilan upang madaplisan siya sa may bandang baywang.

Dalawang linggo na magmula nang makabalik siya sa trabaho. Pilit niyang inaabala ang sarili upang wala na siyang oras na isipin pa ang mga naiwan niya sa Pinas. Ayaw na niyang gawing komplikado ang buhay niya ngayon dahil mas importante ang mga misyon nila. He is only a few steps away from getting what he had wanted for so long. His deadly revenge.

"Come with me to the lab." Biglang sumulpot naman si Striker sa may pintuan nang hindi niya napapansin at inaaya siya.

Sigurado siya na sinabi na ni Reese rito ang nangyari sa kanya kaya tinawag siya upang gamutin ang sugat niya.

"This is nothing but just a shallow wound." Aniya bago umupo sa ibabaw ng medical table sa loob ng lab nito. "Malayo naman sa bituka."

Hindi naman umimik ang dalaga at basta na lang siyang ginamot. Mas madalas na gusto niyang kasama si Yasi dahil hindi pala-salita. Sumusunod lang ito sa mga desisyon niya kapag nasa gitna sila ng isang misyon.

Pero may mga pagkakataon na gusto rin niya itong makausap nang masinsinan para mas makilala niya nang husto. She was never been vocal with her feelings and she has never show any emotions in her face too, which made her real hard to read.

But there was really something in her that made him feel different. Different but very familiar. May naaalala siya kapag nakikita niya ang mukha nito, lalo na ang mga mata nito, ngunit di niya mapagtanto kung ano.

"Take these." Sabay abot sa kanya ng dalawang magka-ibang capsule. "Anti-biotic and pain reliever."

"Hindi mo ako bibigyan ng serum?" Tanong niya.

Naka-imbento kasi ito ng serum na para lamang sa kanilang mga agents upang mas mabilis na maibalik ang lakas nila sa tuwing nasusugatan o natataman sila.

"You don't need it. It's just a shallow wound, right?" Poker face nitong balik sa kanya.

Napangiti siya sa pagiging sarkastiko nito nang hindi naman sinasadya. That's what she is and he finds it amusing.

Kinuha na lang niya ang gamot at ang baso ng tubig na inabot nito at saka ininom iyon. Pagkatapos ay nagpasalamat na siya at saka muling bumalik sa kwartong naka-assign sa grupo nila.

"Matulog ka na muna sa sleeping quarters para ipahinga yang sugat mo." Si Sniper na abala sa pagkalikot ng mga armas nila roon. She's calibrating it to add more precision. "Wala pa namang panibagong utos si Chief, at si Hacker, busy pa sa pagtulong kay Ryder sa telepono." Sabay turo kay Stew.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now