Prologue

1.5K 63 23
                                    

Prologue "Pandak!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue
"Pandak!"

"Unano!"

Hindi ko pa rin sila pinapansin, bahala na silang maubusan ng laway kahit na inis na inis ako sa kanila ay yukom kamao na lang akong naglalakad pasakay ng bus . Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakita kong hindi nila ako sinundan. Asar! Nasisira ang araw ko nang dahil sa kanila. Kung bakit kasi napaka laking issue sa kanila ang unano, bansot , pandak? Hayst.

Ikayayaman ba nila ang panglalait? Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang prumeno ang bus driver na dahilan para mauntog ang noo ko sa pole at pumutok ang mga tagyawat ko sa mukha ko. Nakalimutan kong nakatayo lang pala ako rito dahil nga sa punuan na ang mga upuan ng taong nakaupo.

Habang sapong-sapo ko ang mga tagyawat ko ay may napansin akong matandang nahihirapan na sa kaniyang kinalalagyan dahil katulad ko nakatayo rin ito at may mga bitbit pang bayong na punong-puno ng mga gulay at prutas. Napabaling na lang ang mga mata ko sa lalaking naka shades na tinitingnan lang niya ang matanda habang siya relax na relax pa siyang nakaheadset. Kahit na mabilis magpatakbo ang driver ng bus at kasalukuyang tumitiket ang konduktor sa mga pasahero ay minabuti kong pumunta kung saan naka-upo ang walang modong lalaki.

"Hoy!"

"What?"

"Hindi mo ba pauupuin ang matanda? Nasaan ang pagka-gentleman mo?"

"What?"

"'Wag mo akong ma what-what diyan, ha? Pauupuin mo ba ang matanda o suntukan tayo?" Kinusot-kusot ko ang damit ko at pinakita ko sa kaniya ang maliit kong muscle.

Mayamaya pa narinig ko siyang tumawa ng mahina. I find his laugh cute. Ano raw? Hindi siya cute dahil animal siya!

"Anong nakakatawa?"

"Your face, hahaha! Akala ko mabobore ako sa Pilipinas but I was wrong." Tiningnan niya ako ng malagkit at nginitian niya ako ng pagkatamis-tamis.

"Anong nakakatawa?"

"Don't English-english me because my nose is bleeding!"

"Huh?" Ngayon ko lang napansin na kanina pa kami pinagtinginan ng mga tao pero wala akong pakialam basta ang importante sa akin mapaupo ko lang ang matanda sa upuan ng walang modong lalaki.

"Hindi mo ba siya pauupuin ang matandang ito?" Itinuro ko pa ang matanda para maintindihan niya ang sinabi ko.
"Oh? That beggar? What's wrong with her?"

"This old lady needs upuan---" Bigla na lang akong napahinto sa pagsasalita dahil itatanong ko pa kung anong english ng upuan sa ibang pasahero.

"Chair ang english ng upuan ,hija!"

"Yes, she needs chair!" Hindi ko kung tama bang english ang pinagsasabi ko basta may masabi lang ako. Mayamaya pa nagulat na lang ako nang bigla niyang inalis ang shades niya at inilagay niya ang headset niya sa kaniyang leeg.

"May sinasabi ka?"

"A-ano?" Ang lahat ng tapang ko kanina ay napalitan ng pagkamangha sa napakaguwapong nilalang na kaharap ko ngayon. Nararamdaman ko rin na tumutulo ang laway ko sa mismong bibig ko. Tulo-laway ang kagwapuhan niya Bes! Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Puwede mo bang paupuin ang matanda?" Muli kong itinuro ang matanda at akala ko aalis siya sa kaniyang upuan pero hindi eh, nagtutulugan pa siya. Bigla namang tumaas ang dugo ko sa kaniya kaya sandali kong hinubad ang sapatos ko saka ko siya binatukan.
"Ouch! What the hell?!"

"Hindi mo ba siya pauupuin?”

"AYAW KO," matigas niyang sambit

Isusuot niya pa sana ang headset sa kaniyang dalawang tenga nang bigla ko iyong tinanggal.

"What’s the problem with you?!" Ramdam ko na nairita na siya sa akin pero wala akong pakialam.

"Para!!!" Napilitan tuloy siyang bumaba ng bus pero bago siya umalis ay may pagbabanta pa siyang iniwan sa akin.

"Hindi pa tayo tapos bansot. May araw ka rin sa akin."
"Tsk. Hihintayin ko ang araw na 'yun, skeleton." Medyo payat kasi siya at halatang malnourished. HAHA!

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon