Chapter 2: The Who?

508 37 7
                                    

“Kagigiiiiil!!!”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Kagigiiiiil!!!”

Pinagsasaksak ko ng tinidor ang pagkain na nasa harapan ko. Paano ba naman kasi hindi ako mababad trip kung lagi kong iniisip ang mukha ng kalansay na iyon. Iniisip ko na si Ryan ang pinagsasaksak ko ng tinidor.

Mukhang may problema na rin yata ang mga mata ko.

“Chillax, Richelle ano ba kasing problema?”

“Naalala ninyo 'yung kalansay na sinasabi ko...” Panimula kong sambit sa kanila

Napatingin naman sila sa akin ng seryoso. “Sino roon? Halos lahat ng school mates natin kalansay. Ab lang ang mayroon sila without 'S'.” Ani ni  Jhoana habang umiinom ng C2

Siya si Jhoana Gabriel Lizardo, medyo may pandak din katulad ko. 4'9 ang kaniyang taas, medyo may pagka-nerdy. Siya ang source namin kapag hindi namin ang alam ang sagot tuwing exam.

“The who?” takang tanong ni Bhea na abala sa pagsusulat ng mga nobela niya

Kung si Jhoana may pagka- nerdy, si Bhea naman. Hmmm ... Let just say, nagbabalak na maging writer in the near future. Wala naman masama sa ginagawa niya, yung mga magulang lang niya ang hindi suportado sa pagsusulat niya. They said, bakit hindi na lang niya ilaan sa makabuluhang bagay kaysa mag-aksaya ng panahon sa pagsusulat but for us, we always support her no matter it takes because we are friends.

And our friendship is not a ordinary friendship that you used to know.

4'11 din ang taas ni Bhea. Hindi siya mahilig magsalita dahil yung lahat niyang gusto niyang sabihin ay dinadaan na lang niya sa sulat. Which is partly true. Sayang din naman kasi ang laway mo kung wala namang nakikinig. Hayst.

“'Yung naka-sabay ko sa bus na lalaking walang modong hindi nagpapa-upo ng matanda, akalain mo 'yun dito pala nag-aaral ang kalansay na iyon,” nangigigil kong sambit with hand gestures pa

“Ha? Kalansay? Nasaan? I can't see it!”

Napahagalpak na lang kaming magkakaibigan nang bigla-bigla namang sumabat sa usapan si Bridgette

Siya si Bridgette Anne Marie Bilaos, yung mommy niya ay teacher din kung saan kami nag-aaral. Sa aming magkakaibigan siya ang slow sa amin at mahilig sumabat sa usapan. Tapos kapag tinatanong hindi sumasagot o kung sumasagot naman iba naman ang lumalabas sa bibig niya pero kahit ganoon siya sobrang mahal namin ang isang 'yan.

“Edi okay at least araw-araw mo siyang makikita. Anong malay  mo baka siya na pala ang papatong sa icing ng cup cake mo?” Sambit ni Shan Nicole habang hawak-hawak niya ang kape

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong pinagsasabi ng isang 'to?

Siya si  Shan Nicole Monroyo. Siya ang una kong kaibigan simula nang pumasok ako sa University na ito. Kung si Bridgette ay slow, si Shan naman ay direct to the point magsalita o kung minsan double meaning ang kaniyang sinasabi.

Mahilig siyang uminom ng kape. Hindi siya nabubuhay kapag walang laman ang kaniyang tiyan ng kape.

Sa umaga kape, sa snack kape, sa tanghali kape at sa meryenda kape na naman. Puro kape ang laman ng utak na ito.

“Ewwww!!! Ako magkakagusto sa skeleton na iyon? Baka  ibalik ko siyang muli sa sementeryo dahil doon siya nababagay!” Inis kong sambit.

Naibaling ang tingin sa mga estudyanteng mukhang inginudngod sa harina, sa kapal ba naman ng foundation. Kulang na lang magmukha silang clown sa itsura nila.

Sa aming magkakaibigan ako talaga ang may pagka-war freak. May pagka-amasona kung baga pero sa totoo lang naging ganito naman ang ugali ko dahil laganap dito ang bullying.

Kung gusto mo pang nakapagtapos kailangan mo ring lumaban.

Sa eskuwelahan na ito, uso ang pagcategory kung sino-sino ang puwede mong kaibiganin. Kung nerd ka, sa nerd ka lang makikipagkaibigan.

Kung bad boy ka at tarantado, doon ka dapat maki-tropa ka. Kung adik-adik ka, doon mo palaganapin ang pagkaadik mo.

Yung nag-mamay ari ng eskuwelahan na ito ang gumawa ng rules and regulations at sa sitwasyon namin sa pandak lang dapat kami makipagkaibigan.

Alam ninyo bang hindi pa namin nakikita kung sino ang nagmamay-ari ng school na 'to? Confidential daw sabi nila pero hindi naman ako naniniwala. Kasi baka nahihiya lang siyang ipakita ang mukha niyang panget.

Hindi ko na natiis na titigan ang mga estudyanteng kanina pa bulong ng bulong habang nakatingin sa amin sabay tatawa.

Kaagad akong tumayo at nilapitan sila. “Puwedeng i-share ninyo naman sa akin ang  pinag-uusapan ninyo nang sa ganun maka-relate kahit pa-paano.” I smirked at them

Kitang-kita sa kanilang mukha ang pagkagulat nang nakita nilang nasa harapan na pala nila ako.

Hindi na sila umimik dahil  alam nila ang ugali ko.

Babalik na sana ako sa upuan ko kaya lang pagharap ko ay sakto namang may dumaang lalaki kaya aksidente kong nasiko ang tray na dala-dala niyang pagkain

“What the heck!? What did you've done to my uniform?! Stupid little size!”

Aray, ha! Aminado naman akong pandak ako pero wag namang ipagdiinan pa. Nakakasakit na siya ng dibdib. Teka nga! May dibdib  ba ako? Mukhang likod ko lang naman ito.

Biglang kumulo ang dugo ko at umakyat iyon papunta sa ulo ko nang  nakita ko naman ang kalansay.

Pero napalitan iyon ng tawa ang pagka-inis ko sa kaniya nang nakita ko sa kaniyang ulo ang SUNY side up egg. Doon pala lumanding ang lahat na pagkain na in-order niya.

Mahaba ang kaniyang buhok kaya natatakpan ang mga mata niya. May piercing din siya sa kaniyang tenga. Yung suot niyang uniform, yung walang neck tie. Hindi ko alam kung sinadya niyang di ilagay o tinatamad lang siya.

“What's funny?” takang tanong niya sa akin

Inginuso ko ang ulo niya at kaagad namang kinapa-kapa ang nasa ulo niya.

“Opppsss.... sorry, sinadya ko. Hehe.” Sabay peace sign sa kaniya

Dali-dali akong naglalakad papunta sa direksyon ng mga kaibigan ko at kinuha ko na ang back pack sa upuan.

“Mayamaya lang maririnig na natin siyang sumigaw ng,”

Kumaripas kami ng takbo at narinig nga namin sumigaw si Skeleton kagaya ng inaasahan ko.

“Bansooot!!! Hindi pa tayo tapooos!”

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now