Chapter 1: The Pandak

804 42 10
                                    

“Richelle, puwedeng pakibigay mo nga ito kay Ryan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Richelle, puwedeng pakibigay mo nga ito kay Ryan." Ani ni Nicole Ruth Blanquera, ang cheer leader at muse ng classroom namin

Pero kung tatanungin mo ako 'di hamak na mas maganda pa ako kaysa sa kaniya. Alam ninyo kung bakit?

Dinaan lang naman sa tangkad niya kaya siya nakakasali sa beauty contest samantala ako taga sana all na lang at tagapalakpak na lang. Mas lalong dinaan lang niya sa pagliyad ng kaniyang dibdib at sa kinulang na tela na palagi niyang suot.

Kung bakit kasi ako ipinanganak na pandak. Bakit nga ba? Kahit naman kumain ako ng sandamakmak na star margarine. Sabi kasi sa patalastas na napanuod ko kapag daw kinain mo ang star margarine tatangkad daw mukhang sa sitwasyon ko hindi naman akong tumangkad. Nanatili pa rin akong maliit.

Umiinom naman ako parati ng cherifer dahil sabi ulit sa patalastas para tangkad sagad. Mukhang niloloko naman yata ako nun. Hindi naman ako tumatangkad mapa-hanggang ngayon. Wala pa ring pagbabago sa height ko. Maliit pa rin. Hayst.

Tumatalon-talon naman ako tuwing new year's evening pero bakit hindi pa rin ako tumatangkad?

Ano ba ang diperensya sakin? Matangkad naman ang mga magulang ko at kapatid ko pero bakit ako lang yata ang pandak sa amin? Hindi kaya ampon lang ako? O di kaya napulot lang nila ako sa basurahan nung maliit pa 'ko.

Teka--- kailan naman ako lumaki? Edad lang naman ang dumadagdag sa akin pero hindi ang height ko. Hayst. Ang hirap talaga kapag pandak ka. Hindi mo naabot ang blackboard kapag pinapa-erase sa'yo ang nakasulat doon, hindi mo maaabot ang librong nasa tuktok pa ng bookshelves at hindi mo rin makuha ang nasa taas dahil isa kang pinagpalang pandak na lagi pang kumukuha ng upuan upang makuha lang ang bagay na iyon.

Di ba tama ako? Ganoon kasaklap ang buhay naming mga pandak pero lahat ng mga pandak ay cute. Appear!

Bumalik na lang ako sa wisyo nang pagpatong-patungin nila ang box ng cake sa kamay ko. Pati nga sa ulo ko pinatungan pa nila ng box. Parang tuloy akong nasa circus, bina-balance ang mga bagay-bagay. Kaloka lang!

"Saan ko naman ito dadalhin kung sakali?"

Pilit kong niyayakap ang mga box ng tsokolate. Mas mataas pa kasi iyon kaysa sa height ko."Kay Ryan Bongua mo 'yan ibigay."

Nakita ko ang pagningning ng mga mata ni Nicho Satuito, siya pala ang alipores ni Nicole na laging nakabuntot sakanya saan man ito magpunta, nang sabihin niya ang lalaking pagbibigyan ko ng cake. Napakunot naman ako ng noo dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan.

"Sinong Ryan?" Takang tanong ko sa kanila

Nanglaki na lang ang mga mata nila at sabay-sabay silang napanganga nang napagtanto nilang hindi ko kilala ang pangalan ng sinasabi nila. Hindi ko naiwasan ang mapataas ng kilay.

"Seryosoooo?! Hindi mo siya kilala?!" Ani ni Micha Haber. Ang kaklase kong may pagkamalandi. Errr... Para sa kaniya madaling palitan ang mga boyfriend niya. Yes, mga. Two, three or quadruple kung magpalit ng lalaki sa isang linggo, ha?

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now