Chapter 13: Community Service

230 21 1
                                    

“Pumunta kayo sa student council office ngayon din!”

Nauna nang lumabas si kalansay sa elevator, bitbit na rin niya ang polo niyang hinubad kanina.

Habang ako nakaiwang nakatulala, pilit ko pa ring isini-sink sa utak ang mangyayari.

Kahit labag sa loob kong pumunta ay napilitan akong landasin ang daan papunta sa student council office. Wews! Ang lalim naman ng landasin. Tatalunin ko na ba nito si Balagtas?

Kumatok ako ng mahina sa slide door ng office ng student council at may narinig naman akong boses ng babae. “Please come in.”

Kaagad akong pumasok sa opisina nila at nakita kong nakaupo na silang lahat sa round table at lahat sila sa akin nakatingin ng seryoso.

Yung mga mata nila na akala mo papatayin ka sa titig. Ganun na ganun 'yun. “You may seat down, Ms. Marbibi,” seryosong sambit ng student council president na si Zyn Snow Ferrell

Grade 12 student, taking General Academic Strand. Ginawaran siya ngayon bilang pinakamagaling na namuno sa student council. Lahat ng patakaran ng nagmamay-ari ng eskuwelahan na ito ay sa kaniya idinadaan. Active choir din siya sa simbahan at palagi ko siyang nagbabasa ng mga libro ng Wattpad.

“Bakit ninyo po ako pinatawag?”

Kahit na alam ko na ang sagot sa tanong ko ay kailangan ko pa ring makasigurado. 

“Sa tingin mo bakit ka namin pinapatawag dito?” Pagmamaldita ng vice president ng student council

Tinaasan ko siya ng kilay. Akala niya siguro siya lang ang marunong magmaldita sa paaralan na ito, puwes nagkakamali siya. Nakita ko pa siyang umirap sa akin kaya inirapan ko rin siya.

Akala niya siguro magpapadaig ako sa kaniya? Never!

Siya si Hannah Shane Bautista, varsity player ng basketball, soccer, volleyball, football. Ah, basta lahat ng may ball kasali siya.

Edi siya na itong mahilig sa sports. Isa ito sa opisyal ng student council na kinaiinisan ko. Akala ko pa naman noon hindi ito mananalo dahil pautal-utal siyang magsalita sa open forum 'yun pala dinaya niya ang election.

Tsk. Mga tao nga naman kahit alam mong mali ay gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para manalo lang sila kahit na makasira sila ng ibang tao.

“Naka-ilang rounds ba kayo sa elevator?” Pagtatanong ng student council secretary na si Nicho Satuito, isinusulat niya pa ang detalye na nangyayari ngayon.

“What the heck!? Are you out of your mind? Sa tingin mo ba talaga papatulan ko si pandak?” May bahid na inis sa boses ni skeleton sabay tumayo pa siya

Kaya kaagad naman ako tumayo. “Hoy! Sa tingin mo ba papatulan kita, kalansay? Para sabihin ko sa'yo hindi ko pagpapatansyahin ang puro ribs na katawan mo baka isang ihip pa lang ng hangin ay tangay ka nila.”

“Hoy ka rin, pandak! Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa makasama ang isang katulad mo. Mukha kang gasul.”

“Stop arguing, guys!” Pagsasaway sa amin ng student council president pero hindi namin siya pinakinggan

“Ako? Gasul? Excuse me hindi ako gasul dahil hindi naman ako mataba. Duh! Eh ikaw nga galing pa sa hukay at mukha kang pinagsawaan ng mga uod sa lupa,” natatawa kong sambit

Halatang nagpipigil ng tawa  ang lahat ng opisyal ng student council.

“You!!!”

Susuntukin sana niya ako kaya lang bigla akong nagsalita. “Susuntukin mo ako, skeleton? Ano ka bakla? Nanakit ng babae? Yuck!”

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now