Chapter 3: The Transferees

427 28 16
                                    

Kanina pa ako nakauob sa desk

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kanina pa ako nakauob sa desk. Wala pa kasi ang next subject teacher namin. Sabi ng sipsip na kaklase ko na si Charlotte, inasikaso raw nito ang bago naming kaklase na makiki-seat in sa subject niya.

Sino naman kaya ang transferees na iyon?

Kanina pa ako nakikinig sa mga usap-usapan ng mga kaklase ko. Ganito talaga sa classsroom, may kaniya-kaniyang ginagawa. Parang may mga sariling mundo.

Maingay. Magulo. Maraming mga nakakalat na basura sa bawat sulok ng classroom namin. Kalat dito, kalat doon, kalat everywhere. Wala yata sa kanila ang salitang cleanliness'. Yung iba pang mga upuan nakabaliktad pa kaya naman tinagurian kaming "most worst section of the year". 

“Huhuhu! Hindi ko matanggap na wala na si Sync sa bandang Next to you.”

“I can't accept the fact na iniwan na niya ang entertainment. Huhuhu! Paano na tayong humahanga sa kaniya?”

Nagsimula na silang magsi-iyakan na akala mo naman namatayan ng asawa. Oa lang? Pero teka lang totoo bang wala na si Sync sa bandang Next to You? Eh paano na ang banda kung mawawala siya? Tuluyan na ba iyong madi-disband ? Siya ang lead vocalist ng banda hindi puwede siyang mawala! Waaah.

Ang Next to you na banda ay kilala sa industriya ng musika. Sila lang yata ang hindi nagpakita ng mukha kahit sa mga concert nila. Tanging malamig boses lang ni Sync ang maririnig. Sila lang yatang banda ang hindi nag guguest sa mga tv show.

Hindi totoong pangalan ng lead vocalist ang Sync. Sadyang ginamit niya lang iyon upang hindi malaman ng tagasuporta niya ang totoo niyang pagkatao. Walang nakakaalam kung taga saan siya, kung sino ang pamilya niya o kung ano ang itsura niya sa likod ng kaniyang maskara. At wala ring nakakaalam ng totoo niyang pangalan. Pa-mysterious siya kung baga.

Ano kaya ang itsura niya? Aaminin kong crush ko si Sync. Paano ba naman kasi nakaka-inlove kasi ang boses niya? Paano pa kung makita ko siya sa personal? Siguro magwawala ako nito ng todo-todo.

Super fan ako ng Next to you Band. Lahat ng cd's nila pinapakyaw ko kahit na ilang buwan akong hindi kumain ng snacks basta ba marinig ko lang si Sync na kumakanta ay solvse na solve ako.

Dali-dali kong binuksan ang social media ko at ini-stalk ko ang official Facebook page ni Sync. Hindi lang hundred thousands ang likes sa page niya kundi million's. Ganoon niya ka-famous sa social media.

Tinignan ko ang latest post niya at kaagad ko iyong binasa.

“Thank you for the blessings that you given  to me. It's such a wonderful experience but for now, I need to signing off as a lead vocalist of Next to you. I'm sorry to disappoint you, guys but this is the only way to find myself. I know you'll miss my voice and I will miss my fans too. I'm crying right now. Next to you will always Next to you, it never changed. Sorry and goodbye. ”

Nag sad reaction agad ako sa post niya sabay comment na rin. “It's okay, love. I'm always your number 1 supporter. Take a rest and hope to see you soon.”

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now