Chapter 12: Stuck On Elevator p.2

223 22 1
                                    

"Kailan pa kaya tayo makakalabas dito? Ang init naman!"

Hinubad ko ang blouse ng uniforme ko at tanging sando na lang ang natira.

Wala naman sigurong manyak ang isang 'to at saka wala ka namang ipapakita. Remember, flat chested ka di ba?

Ginamit ko pang pamaymay ang hinubad kong blouse. Grabe lang! Kanina pa tagaktak ang pawis ko pero parang itong skeleton hindi man lang namomoblema.

Like hello! Kanina pa kaya kami na-stuck dito at mukhang wala pa kaming balak palabasin.

"Wala ka bang balak magsalita?"

Kanina pa ako naiinis sa skeleton na ito. Kanina pa ako nagsasalita pero ni hindi man lang nagsasalita. Parang tuloy akong timang ang kinakausap ang sarili.

"Ayaw mo ba akong kausapin, skeleton? Mag-isip ka naman ng paraan kung paano tayo makakalabas dito," inis kong sambit sa kaniya

"I can't breathe."

Napatingin ako sa kaniya. "Sorry, pero di kita type. Wala akong balak mag-I love you."

Iyan kasi ang napanuod kong pelikula. Ganiyan din ang sinabi ng mga bida. Iyak nga ako ng iyak kasi namatay yung bidang babae at hindi sila nagkatuluyan ng lalaki. Binatukan pa nga ako nina kuya Zenpaii at ni mama sa sobra kong hagulhol nang napanuod ko iyon. Malay ninyo ganiyan na ganiyan din ang mangyari sa amin ni skeleton.

Ano bang pinagsasabi mo diyan, Richelle? Yuck! Si skeleton magugustuhan mo? Kahit na gumunaw ang mundo at tanging dalawa lang ang natira di ko siya papatulan.

Maya't maya pa nakita kong nakahawak na siya sa kaniyang dibdib si Ryan at tila nahihirapang huminga.

"Fudge! Literally, I can't breathe. Can't you see?"

"A-anong puwede kong gawin? Magpapatawag na ba ako ng albulansya o kukuha ng kabaong para sa'yo?"

"Kapag ako namatay mumultuhin talaga kita, pandak pati sa pagtulog mo yung mukha ko ang makikita mo."

Napalunok na lang ako ng laway. Naku! 'Wag naman sana. Mahal ko pa ang buhay ko, marami pa akong pangarap sa pamilya ko at wala pa akong balak sumama kay skeleton sa hukay.

Ayoko pang isahog sa bulalo!

"Anong puwede kong gawin?" Alanganin kong tanong sa kaniya

Malay ko bang mahina pala ang baga ng isang 'to. Edi sana nakapaghanda ako ng tranquilizer para sa kaniya.

Hindi ako concern sa kaniya, mas concern pa nga ako sa tranquilizer kasi sa kaniya ko panggamitan. Wala naman siyang laman at puro buto-buto na lang siya. Haha.

"Take off my blouse just like you did."

"Sinilipan mo ba ako kanina, ha?"

Sinasauli ko na pala ang sinabi ko sa kaniya. Dahil may lihim din palang kalibugan si Ryan. Kung baga sa kasabihan, "Nasa ilalim ang kulo ng isang 'to."

"Ano?! Eh may kamay ka naman. Hindi ka naman paralisado para pagsilbihan ko."

Napairap na lang ako habang sinasabi ko iyan.

"Ano nga ulit kita?"

"Slave?" Hindi pa ako sigurado sa sagot ko kaya patanong pa.

"At ano mo nga ako ulit?"

"Tutor ko po si skeleton."

"Gugustuhin mo bang bumulagta ako rito at ikaw ang sisihin sa nangyari sa akin? Hindi mo ba alam na habang buhay ang ipapatong na parusa sa'yo sa pag-murder sa akin?"

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now