Chapter 14: His Voice

243 18 0
                                    

"Sino naman kaya ang puwede natin isali sa music club natin?" Nakabusangot na sambit ni Jhoana Plazo

Siya ang soprano sa music club na pinasukan ko. Sa aming lahat siya ang pinaka-leader namin sa tuwing inilalaban kami ng school sa larangan ng pagkanta.

Marunong lang ako kumanta pero hindi ko sinasabing magaling ako. Kinapalan ko lang talaga ang mukha para may masalihan lang ako ng club.

Sa panahon ngayon hindi na uso ang mahiyain. Kung mahiyain ka wala kang pagkain, kung mahiyain ka lahat ng sasabihin mo ay di mo masasabi at higit sa lahat mawawalan ka ng kumpiyansa na makihalubilo sa ibang tao at iyan ang ayaw na ayaw kong mangyari sa buhay ko.

Magiging boring lang ang buhay mo kung hindi mo ito ginawang makabuluhan.

"Pero wala naman tayong mahanap na magaling kumanta puro nakakabasag ng pinggan ang mga boses ng mga estudyante rito," problemadong sambit ni Mildred

Nagpatawag ng emergency meeting ang music club dahil daw kinakailangan naming maghanap ng puwede pang maging member namin. Sa totoo lang lima lang kami sa music club dahil nawawalan ng interes ang mga estudyante rito, puro gadgets na kasi ang lahat. Iba rin talaga kapag rich kid ka, 'no?

"Richelle, meron ka bang maire-recommend sa amin na someone who has a natural talent in music? Someone who has ability to make a technique in his or her voice?"

Bigla akong natigilan at malalim kong iniisip kung sino nga ba ang naalala kong may angking talento sa larangan ng musika pero tila yatang lutang ang utak ko at wala akong maisip.

"Wala eh," nakabusangot na sambit ko

"Sige, magpapatawag ako ng meeting at sana naman maraming mag-audition sa ating club. Gosh! Nakaka-frustrate. Argh!" Napasabunot pa si Jhoana sa kaniyang buhok

"Di ba mahilig mag gitara si Ryan why shall we try him? Malay mo namang may ibubuga pala siya," suhestiyon ni Mildred

Bigla akong napabunghalit ng tawa dahil sa sinabi ni Mildred. Minsan talaga inaabot din ng topak ang isang 'to.

"Seryoso? Naniniwala kayong maganda ang boses nun? Maniwala kayo sa akin puro plema at hangin ng ilalabas ni skeleton," natatawang sambit ko

"Who's skeleton? Wala kaming kilalang kalansay sa paaralan na ito not unless may nakikita kang hindi namin nakikita." Jhoana na raised her eye brows while she saying those words

"Sino pa nga ba ang tinutukoy ko? Edi si Ryan Bongua. Duh! Siya lang naman ang may kalansay na pangangatawan

"Ikaw naman masyado kang harsh sa kaniya, bakit hindi natin siya subukan? Malay mo maganda pala ang boses niya." Biglang tumunog ang cellphone ni Mildred kaya tumayo muna siya "Wait, I'll answer this call."

Saglit niya kaming iniwan at doon na bumagsak ang balikat ko pati ako namomoblema kung saan kami kukuha ng magaling sa music.

"Convince Ryan to join our club."

"Pero paano kung hindi pumayag?" Alanganin kong tanong sa kanila

"Edi kung kailangan mo siyang kaladkalarin papunta rito gawin mo. Gawin mo ang lahat para makasali siya sa club natin. Sayang din kasi ang talento niya kung hindi ito hahasain."

Wala na lang akong nagawa kundi ang tumango na lang kaysa naman kontrahin ko pa siya mas hahaba pa ang usapan. Tsk.

Lumabas na lang ako ng music club room at kaagad kong hinanap si Ryan at nakita ko naman siyang nakaupo sa damuhan, kinikilabit na naman niya ang gitara niya.

"Dito ko rin pala ikaw mahahanap. Pinahirapan mo pa ako, skeleton."

Umupo rin ako kagaya ng posisyon niya, naka- Indian seat din ako .

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu