Chapter 16: I like her

421 19 5
                                    


Wilfred

“Bakit mo ako nilibre ng snacks, Wilfred? Is there something do you wanna say? Spell it,” seryosong sambit ni Ryan sa akin

Inilibre ko siya ng snacks at medyo naninibago siya kung bakit ko siya nilibre. Alam  niya ang ugali ko na hindi gumagastos ng pera puwera na lang kung kailangan.

“Hmmm... sa tingin ko may kailangan ka sa akin kaya mo ako pinakain. Sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin para malaman ko kung paano kita matutulungan.” He crossed his hand and raised his eye brows

Mas lalo akong kinabahan nang bigla niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa kaniyang mga mata. Ako lang ang nakakakita ng totoong mukha ni Ryan.

Gusto ninyo bang malaman kung anong itsura ng kaibigan ko? Secret bakit ko sasabihin sa inyo? Close ba tayo? Tsk.

“I'm bored, Wilfred. Don't waste my time.”

Kaagad siyang tumayo at saka tumalikod.

“I like Richelle,” walang kagatol-gatol na sambit ko

“You what?” Bigla siyang humarap sa akin at kita ko sa kaniyang mukha ang labis na pagkagulat

“Gusto ko si Richelle.” Pag-uulit ko

“Tsk. Bakit mo naman 'yan sinasabi? Are you threaten on me?” Nakangisi niyang sambit

“Hindi at kahit kailan hindi ako matatakot sa iyo. Hindi na ako makakapayag na agawin mo siya sa akin. Hindi na,” nanglilisik kong sambit sa kaniya

“Oh come on! Akala ko ba tapos na ang usapan. Past is past, Wilfred!”

“Pero hindi ko pa rin nakakalikutan kung paano mo inahas si Irish.”

“Hindi ko 'yun kasalanan kung bakit siya na-inlove sa akin.”

Kaagad akong lumapit sa kaniya at kinuwelyuhan ko siya.

“She's not your property at kahit kailan hindi ko hahayaan na mapa-sagot mo siya. I will do everything just to save her from you,” seryosong sabi ni Ryan sa akin

“At saan siya magiging ligtas? Sa'yo? Tignan mo nga ang estado mo sa buhay? Mas mahirap ka pa sa daga, kung hindi dahil sa akin hindi ka makakakuha ng scholarship.”

He chuckled. “Thank you to be one of my friend. I really appreciate a lot.”

Umigting ang bagang ko sa narinig ko mula sa kaniya. “Ano bang gusto mong palabasin, ha? Bakit lahat ng minamahal ko sinusulot mo?”

He laughed so hard kahit na dumurugo ang pisngi niya sa ginawa kong pagsuntok sa kaniya. “Nagpapatawa ka? Si pandak magugustuhan ko? Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo gamitin?”

“Sa oras na inagaw mo sa akin si Richelle kakalimutan ko na naging kaibigan kita.”

“Flashback ba 'to?  Fuck! Nakakasawa na ang ganitong eksena.” He said in frustration

Biglang tumulo ang mga luha ko nang naala ko naman ang pang-gago sa akin ng kaibigan ko.

Flashback

Do you really believed in love at first sight? Or a second sight? The first saw her, alam kong siya na ang nakalaan para sa akin. Her name is Irish Quiamco Gelig. Mabait siya at tahimik, sa sobra niyang tahimik bihira lang kaming mag usap. Lagi siyang nakayuko at panay kalikot sa kaniyang cellphone.

Palagi siyang busy pero kahit siya ganun, minahal ko siya ng sobra-sobra.

Ilang beses ko siyang niligawan at paulit-ulit niya rin akong nirereject. Pero sa paulit-ulit na nirereject niya ako ay mas lalo akong ginaganahan na masungkit ang puso niya.

Wala pang isang buwan nang sinagot niya ako. Sa ilalim ng buwan, nakahiga kami pareho sa banig habang tinitignan namin ang mga bituin.

Ako na yata ang pinakamasuwerteng lalaki nang oras na sinagot ako pero sadyang hindi madali ang relasyon naming dalawa.

Mas lalong uminit ang pag- aaway naming dalawa at sa sobrang galit ko napapagbuhatan ko siya ng kamay. I can't control my extreme emotions. Kapag masyado akong nadadala sa emosyon ko lahat ng gamit sa mansyon nasisira ko.

Kapag nakikita kong umiiyak na si Irish ay doon na lang ako kumakalma. Pakiramdam ko hindi ako mabuting boyfriend. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit sabay sorry, habang hinahalikan ang mabango at mahaba niyang buhok.

Until one day, I discovered she cheated on me at alam ninyo kung anong masakit? Yung mismong kaibigan ko pala ang palagi niyang takbuhan sa tuwing nag-aaway kaming dalawa.

Nahuli ko si Ryan na naka-akbay sa balikat ng girlfriend ko at nagulat na lang ako nang biglang hinalikan ni Irish ang kaibigan ko.

Napayukom na lang ako ng kamao habang pinagmamasdan ko kung gaano nila pagalawin ang kanilang mga labi. Matapos ang makapugtong halikan nila ay doon na ako sumugod sa kanila at pinagsusuntok ko si Ryan.

End of Flashback

That's the reason why kung bakit ako hirap pagkatiwalaan si Ryan, wala siyang isang salita. I will do everything just to get her.

Someone Point of View

“Hindi pa ba tayo uuwi, young master Sync? Kailangan na po tayong umuwi.”

“Please give me a 5 minutes to stare at her.”

Tumango naman siya at saka pumasok sa kotse. Napatingin ako sa wristwatch ko. It's already 7 pm pero hindi pa rin siya lumalabas ng gate.

Nag-aalala na ako sa kaniya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakita kong papalabas na ng gate si Richelle.

Hanggang akong magpakababa para sa iyo para makita kita araw-araw, Richelle  kahit  malayo ay titiisin ko para sa'yo

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Hanggang akong magpakababa para sa iyo para makita kita araw-araw, Richelle  kahit  malayo ay titiisin ko para sa'yo.

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang