Chapter 5: Palaka

306 25 4
                                    

“Bakit nga ba nandito tayo  sa pet shop? Anong gagawin natin dito?” Pagtatanong ni Bridgette habang humihikab pa siya

Hindi pa nga sumsikat si haring araw and guest what? nandito na kaagad kami sa pet shop upang bumili ng puwedeng ibigay kay skeleton. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, nakasuot kaming lahat ng pantulog.

“Subukan mong kainin ang lahat ng isda na nasa aquarium, Bridgette,” inis na sabi ni Shan Nicole sa kaniya at may hawak na naman siya ng kape

“Ha? Paano ko naman kakaininin ang mga isda riyan eh hindi pa naman 'yan luto?” Pakamot-kamot naman sambit ni Bridgette

Sabay-sabay namin siyang binatukan. Kahit kailan talaga ang hinang maka-gets ang isang 'to. Palaging loading ang utak nito. Minsan napapatanong na lang ako paano ko kaya naging kaibigan ang isang 'to.

“Ito naman hindi naman mabiro, masama bang magtanong? Malay ko ba kung anong gagawin natin dito.”

Tumahimik na lang kaming tatlo. Hindi na lang kami umimik kaysa makasabi ako ng hindi maganda sa kaibigan namin. Anila, “It's better to shut up your mouth than to speak. Less speak, less mistakes.”

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at mukhang napansin yata kami ng owner ng pet shop. Nakangiti siyang lumapit sa amin.

“Good morning, Ma'am, ano pong kailangan nila?”

“Mayroon ba kayong alam na hayop na karaniwang natatakot ang tao kung sila lapitan lalo na yung mga lalaki?” Pagtatanong ko sa may-ari ng pet shop

Tinignan ko ang name plate na nakadikit sa damit niya at nalaman ko agad ang kaniyang pangalan.

Ellah Rheigne. “Ha? Ipangreregalo ninyo pa ba iyon sa boyfriend mo, Ma'am?”

Napakamot tuloy ako ng ulo sabay umiling-iling. Akala ko pa naman si Bridgette ang slow sa mundo pati pa pala ang isang 'to. Hayst. Nagkalat na talaga ang low gets sa paligid.

“Wala. Science experiment lang namin.”

Muli akong luminga sa paligid hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang aquarium na naglalaman ng mga palaka. Hindi ko naman naiwasan ang mapangiti nang naalala ko ang sinabi ni Wilfred kahapon.

Flashback

Kasalukuyan akong kumakain ng pagkain. Vacant time kasi namin ngayon kaya may panahon akong pumunta sa cafeteria. Simula ng nag back out si Sync sa banda ng Next to You nawala na rin ako ng ganang makinig sa mga bago nilang kanta kung baga si Sync lang talaga ang dahilan kung bakit ko nakahiligan ang musika.

Isinalpak ko sa dalawang tenga ang ear phone ko at nakikinig ng music sa Spotify. Giliw na giliw akong nakikinig sa kanta habang inginunguya ko ang pagkain.

Bigla akong natigilan sa pagnguya at muntikan ko pa ngang maibuga ang kinakain ko nang lumapit si Wilfred papunta sa direksyon ko. May dala-dala siyang isang tray na may mga pagkain.

Pasimple kong tinignan ang mga estudyanteng babae na halata namang may crush kay Wilfred. Ang sasama ng tingin nila sa akin. Kung may kutsilyo sana silang hawak baka kanina pa nila ako minurder.

And so? Kasalanan ko bang lumalapit ito sa akin? Iba ka talaga pandak lapitin ka talaga ng gwapo. Hihi.

“Puwedeng maki-share ng upuan wala na kasi akong nakitang bakante eh.”

Nakita kong nakahawak pa siya sa kaniyang batok at tila yatang namomoblema talaga siya kung saan siya uupo. Kaagad akong napatingin sa paligid at oo nga! Wala na siyang maaupuan.

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightМесто, где живут истории. Откройте их для себя