Chapter 8: Measuring Height

250 22 0
                                    

“Good morning, ma'am!”

Bigla na lang akong napatingin sa pinto ng classroom namin nang narinig ko na naman ang pagkalakas-lakas na boses ng class president namin.

Siya na yata ang human bell namin sa tuwing may dumadaang teacher sa tapat ng classroom namin. Siya parati ang taga-sigaw ng “Nandiyan na si Ma'am!!!”

At sa isang iglap, ang dati na akala mong dinaanan ng bagyo sa sobrang dumi ng classroom namin sa tulong na rin niya dahil siya na mismo ang nagwawalis at nagdadakot ng mga kalat  namin. Oh diba naging instant janitor pa namin siya. Hehe.

“Puwede ko bang mahiram si Ms. Richelle Marbibi?” Pagtatanong niya sa class president namin

Napalunok na lang ako. May nakita kasi akong meter stick na hawak ng MAPEH subject teacher. Ano kayang gagawin niya iyon? Baka paluin ako nun gamit nun. Oh no!

“Richelle, tawag ka raw ni Ma'am!” Pasigaw naman na sambit ng class president namin

No choice ako kundi ang tumayo na lang sa kinauupuan ko at puntahan ang Mapeh teacher namin.

“Can I make a favor?” May bahid na pag-aalinlangan sa boses nito

“Ano po 'yun, Ma'am?”

“Puwedeng ikaw na muna ang kumuha ng height at weight ng star section? May conference kasi akong pupuntahan kaya hindi ko sila mabantayan. Puwede ka ba?”

“May tatapusin pa po kasi akong assignment sa Mathematics. Hehe.” Pakamot-kamot na sambit ko

Totoo naman ang sinasabi ko at hindi ako nagsisinungaling. Mamatay man ang kapit-bahay namin. Haha.

“Please, Richelle ikaw lang ang maasa-asahan ko sa section ninyo and besides dadagdagan ko ang grades mo basta sundin mo lang ang ipinag-uutos ko.”

Hinawakan niya pa ang dalawa kong kamay na mas lalong nagpaawa sa akin. Huhuhu.

Basta talaga para sa grades marupok ako. Alam kasi nilang Hindi ako maka-hindi ako sa request nila dahil scholar ako ng eskuwelahan na pinapasukan ko.

Pagkapayag ko ay kaagad niyang ibinigay sa akin ang measuring stick kasama na ang timbangan.

Kabado kong pinindot ang elavator papunta sa second floor. Hindi na muna ako gumamit ng hagdanan kasi hinahabol ko ang oras ng MAPEH nila. Bawal akong mahuli kundi patay ang scholarship ko.

Pagkalabas at pagkalabas ko pa lang ng elavator ay halos paliparin ko na ang sarili mo upang mabilis akong akong makarating sa classroom ng star section.

Yung kaba ko kanina ay mas lalong dumoble habang papalapit ako ng papalapit sa classroom ni skeleton. Tila tumatambol ang aking puso.

Kinusot-kusot ko ang dalawang mangas ng uniforme ko. Huminga muna ng malalim sabay sabing, “Aja, Richelle! Hindi ka naman nila lalamunin. Ano naman ngayon kung star section sila at nasa lowest section ka? Positive lang, Richelle. Bawal ang bad vibes.”

”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Babaeng Kinulang Sa HeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon