Chapter 17: Trouble

198 15 5
                                    

Richelle

“Bakit ka pumayag na pumunta ka sa birthday party ni Liezel?” takang tanong sa akin ng mga kaibigan ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyan kaming nagkokopyahan ng assignment. Ako ang nagko-compute ng formula tapos sila naman 'yong nagsusulat ng sagot sa papel nila.

“Wala naman akong nakikitang masama roon at saka hindi lahat ng star section ay demonyita? Just be fair,” nakangiti kong sambit sa kaniya.

“Ewan lang pero iba ang kutob namin sa mga galawan nila. Sila 'yong mga nagpapatunay na nasa ilalim ang kulo,” nakabusangot na sambit ni Shanelle na kasalukuyang umiinom na naman ng kape.

“Puwede ba Shanelle huwag mo nang takutin ang kaibigan natin? And please lang kahit ngayon lang huwag ka munang uminom ng kape? Mas lalo kang nagiging nerbiyosa dahil diyan,” seryosong sambit ni Jhoana Marie

“Eh anong magagawa ko coffee is lifer,” nakangiwing sambit ni Shanelle

“Pero ang ipinagtataka ko lang bakit kami hindi inimbitahan na pumunta sa party? Bakit kami hindi?” takang tanong ni Bridgette

“Wow, Bridgette! Record breaking 'yon ah. Sa wakas gumana na rin ang mabagal mong utak,” natatawang sambit ni Jhoana

“Grabe naman kayo sa akin pero ganoon ba talaga ako ka-slow poke?” Hindi siguradong tanong ni Bridgette

“Hindi naman,” nakangiting sambit ko

“Always.”

“Hindi ba halata?”

“Palagi ka namang slow eh. Minsan lang tumatakbo ang utak mo at madalas lutang ka.”

Napabungisngis na lang ako nang nakita ko ang mukha ni Bridgette, halos hindi na maipinta ang kaniyang hitsura.

“Grabe kayo sa akin parang gusto ko tuloy umiyak,” nakabusangot na sambit ni Bridgette at kumuha ng panyo mula sa kaniyang bag.

“Paano ang iyak?” natatawang sambit ni Shanelle.

“Kaibigan ko ba talaga kayo? Grabe kayong makalait sa akin,” pikon na sambit ni Bridgette

“Of course. Kaibigan mo kami, Bridgette. Sasabihin namin kung anong nakikita namin sa'yo at ganoon ka rin sa amin. Tayo lang ang magkakampihan dito, wala nang iba at saka hindi naman kami katulad ng iba na kapag kausap mo ay parang santo pero sa oras na tumalikod siya ay parang demonyo... kung ano-ano ang sinasabi sa kapwa niya,” seryosong sambit ni Jhoana Marie

“I stan the right friend,” sabay-sabay naming sambit

“Pero maiba nga tayo anong oras ba ang party nila?”

Sabay-sabay silang napatingin sa akin. “Ewan ko eh. Ibinigay lang ni Liezel sa akin ang invitation at pagkatapos noon ay naglakad na siya papalayo sa akin.”

Inabot ko kay Shanelle ang invitation card, ibinaba niya muna ang kape sa mesa at kaagad niyang binasa kung anong laman non. Nagsilapitan naman sina Bridgette, Jhoana Marie at Jhoanna upang makibasa din.

“I invited you to join my birthday party on December 16, 20** at my mansion. You must wear Pocoyo custume since custume party ang birthday ko. See you there,” basa nila sa invitation card at napatingin sila sa akin.

“Sigurado ka ba talagang pupunta ka?” Nakabusangot na sambit ni Bridgette

“Basta duda ko sa kung anong ikinikilos nila, mag-iingat ka roon, Richelle ha?” Nakangiting sambit ni Shanelle

“Oo naman. Ang lakas ko kaya,” natatawa kong sambit.

“Basta kung may nangyaring kakaiba sa'yo ay mag-atubili ka kaagad na tawagan kaming mga kaibigan mo,” seryosong sambit ni Jhoanna

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now