Chapter 6: Skeleton's Playback

270 25 2
                                    

"Ano itong nabalitaan kong matatanggalan ka ng scholarship, ha!?" Nagngitngit na sambit ni mama na may hawak-hawak na hanger upang ako ay paluin

"Mama, is just an accidental."

"It just an accidental iyon, ate." sambit naman ng kapatid ko na si Mayonaise

"Ay mali ba ang sinabi ko? Basta may masabi lang akong English. Hehe."

"'Wag ka na kaya ate magsalita ng english. Gosh! Nakakahiya ka." Umikot ang kaniyang mga mata habang sinasambit niyang katagang iyan

"Walang basagan ng trip, Mayonaise baka basagin ko ang pagmumukha mo."

"'Maaaa!!! Si ate babasagin daw ang mukha ko. Huhu." Pagsusumbong niya at sinabayan pa talaga ng pag-iyak

Heto namang lokaret kong mama, ipagtanggol na naman niya ang isang 'to. Tsk.

Factory worker ang papa ko habang ang nanay ko naman naglalako ng banana cue, camote cue o kung ano pa mang pagkain basta may cue sa dulo. Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Mayonaise at ang kuya Zenpaii Axle bale pangalawa ako sa magkakapatid at sa aming pamilya ako lang talaga pandak.

Sabi ng iba baka ipinaglihi ako ng mama ko sa duwende kaya hindi raw ako lumaki.

Lumaki naman ako, ah. Hindi lang halata kasi pandak ako. Huhu.

"Ano na naman 'yang ingay na naririnig ko mula sa labas? Richelle, ano na naman ba ito?!" Pagtatanong na kaagad ng kuya Zenpaii pagkapasok pa lang ng bahay namin.

Kaagad siyang umupo sa sofa at kaagad niyang tinanggal ang butas-butas na sapstos niya kasama ang medyas niya.

Call center agent ang kuya ko. Night shift ang duty niyq kaya sa umaga na siya nakakauwi sa amin. Paano ko ba mailalarawan ang kuya ko? A, basta! May dalawa siyang malaking eye bags. Halatang kulang sa tulog si kuya.

"Pagsabihan mo nga itong kapatid mo! May ginawa na naman 'yang kalokohan kaya iyan natanggalan na siya ng scholarship."

"Anooooo!?"

Napatakip na lang ako ng dalawang tenga sa sobrang lakas ng pagsigaw ni kuya Zenpaii. Grabe naman iyon! Nakakatakot at nakakabingi.

"Bakit? Ano na namang ginawa niya?"

Tinignan ako ng masama ni kuya Zenpaii kaya napayuko na lang ako. 'Pag ganiyan kasi si kuya alam ko ng galit na siya.

"Nagsumbong ang administrator ng eskuwelahan na pinapasukan niya ayun may pinagtripan na namang estudyante. Nalaman nilang allergic pala ang batang iyon ayun mabuti na lang hindi pa namatay kundi lagot tayo."

Pinipigilan ko lang na 'wag mapabunghalit ng tawa. Iyong skeleton na iyon mamatay? Eh dati na yung patay eh. Dati na nga siya pinagpiyestahan ng mga uod sa lupa at pinagkasawaan muna siya kaya nabulok bago naging buto-buto.

"Nakikinig ka ba sa sinabi ko, Richelle Marbibi?" Pagtatanong ni kuya Zenpaii

"Ha? May sinasabi ka, kuya?"

Napasapo na lang si kuya Zenpaii sa sobrang frustration niya sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Richelle. Magsorry ka sa kaniya kung ayaw mong ako mismo ang kumausap sa kaniya."

Nanglaki na lang ang mga mata ko sa sinabi ni kuya. No way! Hindi puwedeng makita ni kuya si Skeleton baka kasi magaya si kuya sa kaniya. Mahirap na.

"Pangako po kakausapin ko siya." Labas sa ilong na sambit ko

Pagkarating ko sa campus, habang naglalakad ako sa corridor papunta sa corridor ay nagtataka ako kung bakit walang dumaraan doon ng mga estudyante.

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now