Chapter 15: Walking under the Rain

244 15 1
                                    

Uwian na at tapos na ang klase. Ano pa ba ang inaasahan mo sa tuwing uwian na?

"Class dismissed!" Anunsyo ng panghuli naming subject teacher na si Gillian Geronimo

English teacher namin siya. Well, sa lahat ng subject teacher namin siya lang ang walang love life. As in zero! Ayon daw sa tsismosa kong kaklase na si Hannah Shane Bautista na isa ring PIO sa klase namin ay palagi raw itong nahihiwalayan ng boyfriend.

Pinaglalaruan. Pinagtaksilan. Ginamit. Niloko. Sinaktan. Ginamit lang siya upang mabayaran lang ng naging lalaki niya ang hinuhulugang motor, bayarin sa kuryente at tubig pati renta pa ng bahay si Ma'am Geronimo ang nagbabayad.

Magna Cumlaude naman si Ma'am pero bakit ang tanga niya? Ganoon ba talaga ang pagmamahal? Nakakatanga. Ang sarap niyang gilitan sa leeg. Alam ninyo 'yun?

Yung naiirita na ako sa kaniya dahil araw-araw na lang namamaga ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Palagi pang nakasuot ng itim na damit o dress na akala mo naman palaging may patay.

Basta ako masaya ako kahit walang love life. Tamang lamon lang buong maghapon at walang pipigil sa'yo.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay 'di ko namalayang nakalabas na pala ako sa gate ng eskuwelahan. Naramdaman ko na lang ang pagtama ng tikatik ng ulan sa aking balat.

Napatingala ako habang pinagmasdan ang pagbabagsak yaon. Taranta kong inilagay ang backpack ko at pinagkakalkal ko ang lamam noon pero wala akong mahanap na payong doon kaya napagdesisyon kong suongin na ang malakas ng ulan.

Sana pala sumama na lang ako sa mga barkada kong de- kotse kaysa namang mabasa ako ng husto. Basang-basa ang buong school uniforme at maging suot ko pangloob ay nabasa na rin.

Pinagtinginan tuloy ako ng mga estudyanteng nakasabay ko pag-uwi, lahat sila nakapayong at ako lang ang nagpapaulan.

Napahigpit tuloy ako sa pagkakahawak sa backpack at ngayong araw lang ako nakaramdam ng awa sa sarili ko. Ni wala man lang nangahas ang mga estudyanteng nakakita sa akin na payungan ako. Wala talaga! Talaga namang nakakaasar.

Papalapit na sana ako sa bus stop nang may naramdaman akong kamay na nakahawak sa akin. Kaagad akong napatingala at tinignan naman siya ng masama.

"Don't look at me like that, pandak."

Umiwas pa siya ng tingin at hindi siya nagpahuli sa mga titig ko.

"Wow, ha? Dapat na ba akong matawa sa iyo dahil pinayungan mo ako kung kailan malapit na akong sumakay? Nakakainis ka talaga, skeleton!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wow, ha? Dapat na ba akong matawa sa iyo dahil pinayungan mo ako kung kailan malapit na akong sumakay? Nakakainis ka talaga, skeleton!"

"Magpasalamat ka na lang dahil napadaan ako rito kung hindi parang ka namang basang sisiw diyan."

Kaagad kong inagaw ang kamay mula sa kaniya at saka tumalikod.

"Where are you going?"

"Sa sementeryo. May ibabalik lang ako ng kalansay," Natatawa kong sambit sa kaniya

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now