Chapter 7: Slave ako ni skeleton

250 24 1
                                    

"Ateeeee!!! Nandito ang boyfriend mooo!!!"

Napabalikwas na lang ako sa kama nang narinig ko ang kadalasang alarm clock ko tuwing umaga. Ang bunganga ng kapatid ko o di kaya si mama.

Minsan tinatanghali ako ng gising kasi kadalasang nagpupuyat ako kapanonood ng telenobela.

"Nandiyan na!!!" Sigaw ko pabalik sa kaniya

Sa sobrang pagmamadali ko upang malaman ko kung sino ang tinutukoy ni Mayonaise na boyfriend ko 'raw' pero teka nga--- kailan pa ako nagka-boyfriend bakit hindi ako na-inform?

Hindi na ako nakatanggal ng muta o nagsuklay man lang. Sanay na ang pamilya ko sa itsura ko tuwing umaga kaya hindi nila ako sinisita.

"Oh ayan na pala si Richelle, ang girlfriend mo," nakabusangot na sambit ni kuya Zenpaii

Unti-unti siyang lumayo kaya nakita ko ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa namin. Halos lumuwa ang aking mga mata nang nakita ko kung Sino iyon. Hindi ako makapaniwala.

Nanaginip ba ako o binabangungot?

Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko kung totoo nga ang nakikita ko pero walang hiya! Totoo nga at hindi ako nilalagnat.

Dahil ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa namin ay walang iba kundi si skeleton. Si Skeleton iyon! Naiintindihan ninyo ba ang sinasabi ko? Tinignan ko siya ng masama dahil mukhang nagpipigil siya ng tawa.

"Hehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hehe. Pasok ulit ako sa kuwarto ko." Pagpapaala ko sa kaniya at saka kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto ko

Kinandado ko ang pintuan ng kwarto ko at saka ko pinag-uumpog ang ulo ko roon.

Nang nahimasmasan ako sa mga nangyayari ay kaagad akong naligo at nagbihis ng school uniforme. Katulad ng dati, papasok naman ako sa eskuwelahan.

Pagkababa ko muli ng kwarto ko ay pinaulanan kaagad ako ng sermon ng kuya ko.

"Ano naman ba 'yung sinabi niyang magjowa kayong dalawa, ha? Bakit hindi mo sinabi na may boyfriend ka na!? Sumagot ka, Richelle kundi sisinturuhin kita! Makikita mo, Richelle makikita mo!!!"

"Let I explain to you,kuya Zenpaii. Huhu."

"Me yun ate not I. Let me explain to you." Sabat sa usapan ni Mayonaise habang isinawsaw naman niya ang tinapay na may palaman ng Mayonaise sa kape.

Yuck! Paano niya nasisikmurang isawsaw ang tinapay na may Mayonaise sa kape? Nakakadiri kaya!

"Puwede bang 'wag kang sabat na sabat sa usapan! Hindi ikaw ang kausap namin dito!" Pareho naming sambit ni kuya Zenpaii sa bunso naming kapatid na si Mayonaise

Napakamot na lang ito ng ulo sabay nguso ng mahaba. "Eh wrong grammar kasi si ate. Tinatama ko lang ang pagkakamali niya. Masama ba iyon, kuya Zenpaii?"

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon