Chapter 4 : Bubuyog

335 25 3
                                    

“So nakuha mo na kung saan-saan ka pupunta kung sakaling gusto mong libutin ang eskuwelahan natin. Kung gusto mong kumain doon ka pumunta sa cafeteria, kung gusto mong mag science experiment doon ka pumunta sa science laboratory, kung hilig mong magluto sakto may TLE laboratory kami, kung naji-jingle ka pumunta kaagad sa comfort room 'wag mo nang gawin ang ginagawa ng mga kaklase ko na kung saan-saan umiihi. Natandaan mo ba lahat ng mga sinasabi ko?”

“Ha? Ano nga ulit ang mga sinabi mo kanina?”

Bumagsak ang balikat ko nang nalaman kong kaya pala hindi niya natatandaan ang lahat ng mga sinabi ko sa kaniya dahil nakasalpak pala ang headphones niya sa dalawang tenga. Tatanggalin ko sana iyon para abutin pero nakalimutan ko palang sobra niyang tangkad niya.

Oo na, oo na. Ako na ang pandak na babaeng hindi man lang biniyayaan ng height. Sa mga matatangkad diyan baka naman ipahiram ninyo sa akin ang height ninyo kahit isang araw lang naman nang sa ganun maramdaman ko rin naman na kahit papaano naging matangkad ako. Nagbabakasakali naman ako, 'wag kayong madamot. Amp.

“ANG SABI KO KUNG NATATANDAAN MO BA ANG MGA SINABI KONG DIREKSYON NG SCHOOL KANINA!!!” Malakas na bulyaw ko sa kaniya

Halos maputol na nga ang ugat sa leeg ko nang dahil lang sa malakas na pagsigaw ko sa kaniya. Buwiset na kalansay na 'to. Simula ng nakilala ko ang kalansay na 'to palagi ng sira ang araw ko. 'Yung tipong mas gugustuhin ko na lang ang mag-absent at magpagulong-gulong sa kama kaysa makita ko ang pagmumukha ng isang 'to. Kagigil at nakakasura ang pagmumukha niya.

Alam ninyo kung anong itsura ni Ryan? Kamukha niya si kokey. Basta allien ang lalaking 'to.

Huminga muna ako ng malalim at saka ako ngumiti ng pilit sa kaniya. Bawal kang ma-stress sa kaniya. Ngumiti ka lang Richelle dahil mamaya mayroon kang lulutuin na kalansay.

'Wag mong ipakita na nabubuwiset ka sa kaniya, dapat chill lang. Bawal kang mabad trip.  Para sa grades kailangan mong ipakita sa kaniya na mahaba ang pasensya mo.

“Gusto mo ba ulitin ko ang pag tour guide ko sa'yo,” mahinahon kong sambit

Inirapan niya lang ako ng tingin at saka siya tumalikod sa akin. Ang sungit talaga ng isang 'to. Napatakip na lang ako ng bibig nang napagtanto kong bakla siya.

Oh my! Hindi kaya bakla si skeleton? Kaya ayaw niyang lapitin siya ng mga babae baka gusto niya kapwa niya lalaki ?

Kaagad ko siyang hinabol. Kanina ko pa dala-dala ang kay bigat-bigat na bag niya. Parang mga bato at graba ang laman ng bag nito. Grabe ang bigat.

Nahabol ko naman siya at kaagad akong pumasok sa music room Kung saan ko nakita si kalansay na pumasok.

Hindi ko siya inistorbo sa pagmamasid niya sa buong paligid. Hinayaan ko siyang pagmasdan ang music room.

Parang wala siyang pakialam kung nandito ako. Mayamaya binuksan niya ang piano at inumpisahan niya iyong patugtugin.

Sa bawat paggalaw ng kaniyang kamay sa piano ay  alam mong may pinagdadaanan siya. Parang iisa lang ang kaluluwa nila ng piano.

Bumilis kaagad ang pintig ng puso ko. Dug. Dug. Dug. Dug. Napahawak na lang ako sa dibdib ko kasi pakiramdam ko aatakehin ako sa puso.

Pakiramdam ko narinig ko na ang tugtog niya pero hindi ko naman alam kung saan ko siya iyon narinig. Baka naman imbento ko lang na narinig ko na iyon pero hindi pa pala. Baka nga, Richelle.

Pagkatapos niyang tumugtog ay saka niya naramdaman na may nanunuood sa kaniya. Ako ang nanunuood sa kaniya. Sa sobrang pagkamangha ko sa tinugtog niya ay malakas akong pumalakpak.

Ang Babaeng Kinulang Sa HeightWhere stories live. Discover now