Chapter 2

3.9K 181 27
                                    

Nananaginip ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nananaginip ako.

Alam ko, dahil imposible na narito ako sa burol kung saan ako kadalasang dalhin ni lolo noon. Suot ang paborito kong damit pang tag-init at sombrero na hinablot ko sa isa sa mga kainuman ni papa na magsasaka sa kapatagan kaninang umaga.

Nakakatawang konsepto. Hindi naman naging magsasaka si papa. Lalong hindi ako dinala noon ni lolo sa burol. Isa lang itong pekeng alaala dala ng mga nakaraan kong panaginip.

Napaka payapang pananaginip naman nito.

Umupo ako sa ibabaw ng damuhan at minasdan ang palubog na araw sa kanluran. Unti unti nang nagtatago ang liwanag sa likod ng mga bundok. Ang kagubatan sa ibaba ay nagsisimula na ring mag-ingay sa pamamagitan ng paghampas ng hangin at mga dahon sa isa't isa.

"Napasyal ka."

Hindi ako nag-abala pang lingunin ang boses na iyon. Inantay ko na lamang siyang umupo sa tabi ko.

"Narinig ko na nagsuot ka ng magarbong damit kagabi," panimula niya, "Alam mo na siguro magiging reaksyon ko."

Napatingin ako sa mga damo sa tapat ng aking paa. 

"Panaginip ko ito, narito ka po dahil kahit kailan hindi ka naalis sa isip ko."

"Ang kawawa kong apo, kinulang sa gatas," pabiro niyang sabi at nag pakawala ng isang tawa. Yung tawa niya ay tawang natutuwa. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti.

"Kumusta ang mama mo?" 

"Maarte pa rin," tipid kong sagot kasabay ng paghampas ng hangin sa aking mukha, "Tuwang tuwa na anak ng governor ang nasungkit ni ate, kaya heto, kinukulit akong mang-akit ng doktor."

"Manang mana talaga kay Raul," tukoy ni lolo sa ama ni mama, "Hindi ko rin malaman kung bakit siya ang minahal ng papa mo."

Hindi ako nakasagot dahil wala akong maisip na sagot. Isa lamang itong idlip kaya naman anumang segundo ay gigising rin ako.

"Nasaan ka ngayon?"

"Paniguradong nasa van," kibit balikat na sagot ko at humiga sa damuhan, "Nakatulog, kaya nandito ako."

Hindi sumagot si lolo. Wala naman din akong inaasahan na sagot mula sa kaniya.

Unti unti kong ipinikit ang aking mga mata, dahan dahan ko ring naramdaman ang paglabo at paglutang ng aking isip hanggang sa mapalitan ang damo sa aking likuran ng maingay na ugong mula sa makina ng van, ang simoy ng hangin sa burol ay napalitan ng pabango ng aircon, at ang tahimik na paligid ay napalitan ng talak ng aking ina.

"Ma, pwede bang kumalma ka?" iritable nang reklamo ni Ate Jane, "Wala pa tayong tulog oh! Sabi naman ng mga pulis ay hahanapin nila!"

"Galing pa iyon sa ninuno niyo!" pag-iinarte ni mama, "Galing pang Espanya ang damit na yon."

Tamad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa pinakalikod ng van. Galing na kami sa istasyon at nagsalita na rin ako ukol sa lalaking nakita ko kagabi na may dalang kung ano na palagay ko ay ang kahon ng gown ko.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon