Chapter 28

1.1K 70 0
                                    

Hindi ko na talaga alam kung saan ko isisisi ang lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko na talaga alam kung saan ko isisisi ang lahat.

Sa hormones ko na malakas ang tama kagabi o sa lakas ng loob na dala sa akin ng alak?


Nang hindi kumilos o tumanggi si Gareth upang sundin ang sinabi ko ay ako na mismo ang dumukwang palapit sa kanya para gawin ang unang hakbang.

Agad siyang umiwas at umangat sa kinauupuan niya.


Napakurap ako habang nakatingin sa labas ng bintana, pilit na inaaliw ang sarili ko sa bukirin sa tabi ng express-way.

Kung anong saya ng usapan namin papunta ay siya namang kina-awkward namin pauwi.

"Gareth."

Nakita kong bahagyang gumalaw ang mata ni Gareth patungo sa direksyon ko.

"'Yong nangyari kagabi, sorry."

Ahhh! Nakakahiya talaga! Bakit ko ba naisipang uminom kagabi?

"Why are you sorry?"

Napakagat ako ng labi.

"Masyado akong naging agresibo," kamot sa likod ng taingang sabi ko."A—ayoko maging awkward pag dating sa'yo."

"Why don't you want to be awkward with me?" sunod niyang tanong sabay pokus muli sa kanyang pagmamaneho.

"Well, I really really respect you." Napangiwi ako. "And I know that you respect me too. Ayoko lang mag bago iyon."

"We're both adults," sabi ni Gareth. "And the feeling is mutual."

Napakuyom naman ako ng labi nang may pumasok na hindi kaaya ayang ideya sa aking ulo. Ang tinutukoy niya ay ang respeto namin sa isa't isa, pero hindi ko alam kung anong kabalbalan ang meron ang utak ko at siningit ang isang napaka-imposibleng bagay.

Hindi ko naman maikakaila na attractive si Gareth. Iliban ang financial stability at ang kaguwapuhan niyang taglay, mayroon din siyang aura na talagang karespe-respeto, 'yong tipo na kahit maksidente ka niyang maapakan, ikaw pa rin ang mag so-sorry kasi paharang-harang 'yong paa mo.

"Are you hungry?" tanong bigla ni Gareth nang may matanaw na stopover.

Napataas ang dalawang kong kilay. "Ikaw? Gutom ka ba?"

"I'm not, but it looks like you are."

"Hala? Hindi!"

Pinakiusapan at kinumbinsi ko siya na hindi, pero panay ang pang-aasar niya na bibili kami.

"Kapag niliko mo ay a-agawin ko sa iyo ang manibela," biro kong pananakot sa kanya. Napailing lamang siya.

At least ay nawala na 'yong awkwardness namin kanina.

Hindi naman nagtagal ay lumiko na kami papasok ng Mayapa.

"Kila Darwin mo pala ako ibaba," sabi ko nang maalala ko ang usapan namin ni Darwin kahapon. "May pupuntahan kasi kami pagkauwi ko."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now