Chapter 27

1.3K 72 4
                                    

Sabado at pabyahe na kami patungong Maynila ni Gareth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabado at pabyahe na kami patungong Maynila ni Gareth. Tatlong gabi at apat na araw kaming mananatili doon sa condo niya.

Alam ng magulang ko na luluwas ako. 'Yon nga lang, issue ito kay mama dahil hindi pa rin siya ganoon kasang-ayon na hanapin ko ang mga nawawala kong alaala, at kay papa naman ang issue ay si Gareth.

Kahit pa man alam niyang mabait si Gareth, lalaki pa rin daw ito, lalo na at tatlong gabi kami mag sasama sa isang condo.

Siyempre, dinepensahan ko na dalawa naman ang kuwarto at lagi naman akong pumupunta sa bahay ni Gareth para sa piano lesson.

Sa huli naman ay pumayag sila. Katulong ko kasi si ate sa pagkumbinsi.

"Nasa Alabang na tayo, tama?" tanong ko.

"Yes," sagot ni Gareth habang hindi inaalis ang tingin sa daan. "You've been here?"

Tumango ako."Dalawang beses kaming nag-field trip sa Star City noong high school, kaya nadaanan namin ito," sabi ko.

Ngumit si Gareth. Napatingin ako sa kanya. Hindi katulad ng lagi nitong pormal na porma, nakabagsak ang palagi niyang naka-gel na buhok at nakasimpleng v-neck na itim na t-shirt at dark blue jeans ito. Sa kanang pulsuhan niya ay may suot siyang Rolex na kulay pilak.

"Saang ospital ka sa Maynila kadalasang nade-destino?"

Locum doctor siya, so ibig sabihin ay wala siyang permanenteng ospital na pinagta-trabahuhan.

"Novaliches General Hospital sa Quezon City," sagot ni Gareth.

"Tinatawagan ka lagi ng agency mo?" dagdag na tanong ko.

"No," sagot ni Gareth. "Sa totoo lang minsan sampu lang sa isang buwan ang tawag sa akin."

"Pero bakit parang lagi kang wala sa bahay mo pag weekdays?"

"I'm also a museum director," sagot ni Gareth na kinalaki ng aking mga mata."Kalimitan akong nasa Bataan 'pag wala ako sa Manila."

"Anong museum?" curious kong tanong.

"Bataan World War II Museum," sabi ni Gareth.

"Wow," hindi ko napigilang mapahanga at hindi ko rin naiwasan na makaramdam ng panliliit.

"Paano ka pala napadpad sa Canlubang?"

Matagal naman siyang hindi nakasagot. Palihim kong naikuyom ang labi. Personal kaya ang naitanong ko?

"Maybe because I want to get away?" hindi niya siguradong sagot matapos ang mahabang katahimikan. "Where there's no pollution. Only fresh air and beautiful scenery."

Siguro nga ay naka-kapagod din na panay usok ang nalalanghap ng katawan mo.

Hindi ko naman maikakaila na malinis ang hangin sa Canlubang, tahimik at maganda ang tanawin.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now