Chapter 15

1.4K 78 16
                                    

Agad na napatingin si Gareth at Isabella sa may pintuan nang pumasok si Wojtek

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad na napatingin si Gareth at Isabella sa may pintuan nang pumasok si Wojtek.

"Tek!" ngiting bati ni Isabella at kumaway pa dito. Agad naman niyang nahalata ang pagtataka sa mukha ng kaibigan.

"Ah!" biglang naalala ni Isabella na hindi niya pa naku-kuwento si Gareth kay Wojtek. "Tinuturuan ko si Gareth na mag piano. May lesson sana kami ngayon kaso nakita kong may mga imbestigador sa bahay niya."

Napataas ng dalawang kilay si Wojtek sa narinig. Kung gayon ay magkakilala nga silang dalawa?

"Narinig ko mula sa kanya ang buong pangyayari," sabi ni Isabella at ginawaran ng suntok si Wojtek sa braso.

Nanlaki ang mga mata ni Wojtek nang gawin iyon ni Isabella, "Aray!"

"Ang tapang tapang naman ni Papa Bear," ngising panunuya ni Isabella. Napansin ni Wojtek na natawa si Gareth sa may likuran.

Pinisil mo Wojtek ang pisngi ni Isabella. "Ikaw, napaka-chismosa mo."

Hinampas naman ni Isabella ang kamay ni Wojtek paalis. Nagpadaplis ng tingin ang imbestigador kay Gareth.

Hindi na ito nakangiti.

"May pag-uusapan ba kayo ni Gareth?" tanong ni Isabella.

"Ah, oo sana," kamot-ulong sagot ni Wojtek.

Kumilos ang dalaga upang kunin ang kanyang shoulder bag, "Ay siya, ako'y mauuna na at may lalakarin pa ako."

Bumaling ito kay Gareth, "Magpagaling ka ha? Pero tagalan mo dito, pupuslit lang ako ng coffee beans mo. Nandoon pa ba sa kusina yong halaman?"

Napatawa naman si Gareth sa sobrang aliw. Hindi alam ni Wojtek pero nakaramdam siya ng kaunting pagkadisturbo.

Hindi na nagtagal si Isabella at tuluyan na nga itong umalis. Nag-presenta pa si Wojtek na ihatid siya palabas, pero tumanggi ito.

"Mukhang close kayo," puna ni Wojtek at umupo sa upuan kung saan nakapuwesto si Isabella kanina. Isang malawak na ngiti naman ang iginawad ni Gareth sa imbestigador.

"Hindi gaano," sagot ni Gareth, "Pero nakikita ko siya bilang isang nakakabatang kapatid."

"Pasensya na sa inakto ko."

Napataas ang dalawang kilay ni Gareth at tila hindi nakuha ano ang ibig sabihin ni Wojtek.

"Kung ang sinasabi mo ay dahil inakyat mo ang second floor ng bahay ko, huwag kang mag-alala. Ginawa mo lang ang trabaho mo."

Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawang lalaki.

"Ang sabi ni Isabella ay narito ka dahil may kailangan tayong pag-usapan?"

"Ah," biglang naalala ni Wojtek ang kanyang pakay, "Oo, kailangan lang namin kunin ang panig mo."

Agad namang nagpatuloy ang dalawa sa tanungan. Hindi nagulat si Wojtek na tugma ang panayam ni Gareth sa mga sinabi ni Rona.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon