Chapter 11

1.5K 89 15
                                    

Napangiti si Wojtek sa sinabi ni Isabella

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napangiti si Wojtek sa sinabi ni Isabella.

Walang alam si Isabella sa kaso— kung gaano kakumplikado, pero naniwala ito kay Wojtek, kagaya noong mga bata pa sila.

Bumalik si Wojtek sa loob ng bahay at kinandado ang lahat ng pintuan, pinatay na niya rin ang ilaw sa unang palapag.

"Mag walis ka naman!"

Napatingin si Wojtek sa sahig at kinuskos ang kanyang paa dito. Medyo maalikabok nga ang bahay niya.

Napahilamos siya ng mukha at binuksan muli ang ilaw. Nagwalis muna siya mula sa ikalawang palapag at nag punas doon ng mga gamit. Pagkaraan ay naghanda na ng planggana at basahang pang punas.

"Ganito kadumi?" sabi ni Wojtek sa sarili habang minamasdan ang maduming tubig na pinang pipigaan niya.

Nagtungo siya sa lababo at pinalitan ang tubig sa planggana. Nang napatingin sa orasan ay doon niya napagtantong mag ha-hating gabi na.

"Para namang makakatulog ako nang matiwasay," bulong ni Wojtek sa sarili at nilagyan ng multi purpose cleaner ang tubig.

Nagsimula siyang magwalis sa unang palapag at dahil kahit pa Hunyo at tag-ulan na ay tagaktak pa rin ang kanyang pawis kaya napatigil siya upang magpunas ng sarili. Hindi niya alam kung ilang daga ang naisilid niya sa basura bago niya maramdaman ang maaliwalas na kapaligiran.

Alauna na ng madaling araw nang tumingin siya muli sa orasan Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas ng ibabaw ng lamesa sa sala gayundin ang pinaglalagyan ng kanyang telibisyon.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa nang maramdaman itong mag—vibrate. Pagkabukas ay bumungad ang litrato ng dalawang tao— ang isa ay siya at ang isa ay isa sa mga senior niya noong 2002.

Agad niyang ipinagsawalang bahala iyon ay binuksan ang mensahe ni Nathalie.


06-16-2005

Nathalie

Nakuha ko kaninang umaga ang full autopsy ni Fred Salazar at noong isang bangkay na nakita sa talahiban, kasama na doon yung background na pinapacheck mo.

Agad naman itong napatayo at nagtipa ng isasagot.


06-16-2005

Me:

I-send mo sa email ko


Nagsampay si Wojtek ng tuwalya sa kanyang balikat at pumunta sa likod ng bahay kung saan mayroong poso. Wala kasing dumadaloy sa banyo, at tubig sa kusina pa lang ang naayos niya.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now