Chapter 8

1.7K 105 12
                                    

Halos mapaluhod ako sa nasasaksihan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Halos mapaluhod ako sa nasasaksihan ko.

Kaninang umaga lang sa ospital ay magkausap kaming dalawa ni Kuya Fred. Walang bahid ng dugo ang katawan... Walang linya sa magkabilang dulo ng labi... Higit sa lahat, nakurap pa at nakangiti.

Kabaliktaran iyon ng nakikita ko ngayon. Nakadamit ito ng pangbabae— hindi, sa tingin ko ay isa lamang itong kurtina na pinagdikit-dikit para maging disenyong damit na pang babae. Nakahimlay siya sa damuhan ng parke, nakabukaka ang dalawang binti at nakahimlay ang dawalang braso. Ang mga mata ay nakadilat na tila pinagmamasdan ang pasikat na araw.

Naagaw ang aking atensyon ko nang kunan ng litrato ng isa sa mga imbestigador ang crime scene. May mga matatanda na rin na naki-kiusosyo sa paligid.

"Yung anak ko!" sigaw ni Ginang Eva— ina ni Kuya Fred mula sa isang gilid. Dama mo na hindi ito makapaniwala sa sinapit ng anak.

Napatalikod na ako sa crime scene at napapikit. Inintay na maging balanse ang paghinga ko.

Ano na ba ang nangyayari nitong mga nakaraang araw?

Muntikan akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Nang makita kong si mama ang natawag ay agad ko itong sinagot. Nauna na silang sumunod kay ate sa presinto. Ako naman ay nagpaiwan pero nangakong susunod.

"Hello?"

"Isabella," bungad ni mama habang naiyak, "Ang ate mo nakakulong."

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"Ano?! Ba—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mabitawan ko ang cellphone dahil may humablot sa buhok ko.

"Ikaw? Ano? Nag-iisip na kayo kung paano niyo matatakasan ang pag patay ninyo sa anak ko?" gigil na sabi sa tainga ko ni Ginang Eva. Napahawak naman ako sa kamay niya dahil mahapdi ang pagka-kasabunot niya.

Nakita kong may mga nagba-badyang lumapit sa amin pero agad iyon hinarangan ng mga bodyguards ng ginang. Nasa likuran din namin ang tatay ni Kuya Fred, yung gobernador.

"Ah!" iyak ko dahil dumampi sa pisngi ko ang kanang palad ng ginang. Napatumba pa ako at lumanding sa damuhan.

Hindi rin nagtagal ay may humalukay nanaman buhok ko. Pinadyak ko ang aking mga binti upang magkaroon ng pwersa—nagba-bakasakaling maka-kawala sa kamay niya.

"Sandali misis! Maco-contaminate ninyo ang crime scene!" sigaw ng ibang imbestigador, ngunit desidido si ginang sa balak niyang gawin.

"Eva!"

Hinawakan ng ginang ang baba ko. Ang isa ay nasa ulo ko at pinatignan saakin ang bangkay ng kaniyang anak. 

Mas malapitan. Mas nakakasuka.

"Nakita mo ginawa ng ate mo sa anak ko?!" sigaw nito saakin. Masyado akong abala sa pag-iyak kaya hindi ako nakasagot, "Sagot!"

"Hindi siya ang pumatay kay kuya," matigas pero nanginginig ang boses ko habang nakatingin sa nagkukulay na lilang labi ni Kuya Fred.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now