Chapter 5

2.7K 122 8
                                    

Nang imulat ko ang mga mata ko ay isang pamilyar na kisame ang bumungad saakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay isang pamilyar na kisame ang bumungad saakin.

Pamilyar— pero hindi ito ang kisame ng kwarto ko.

Nasaan ako? 

Napakurap muli ako sa tanong. Hindi ko nga ba alam ang sagot? 

Pinilit kong umupo sa kinahihigaan at nagmasid sa paligid habang nagkukusot ng mga mata. Malambot at maingay na kama—pang-dalawahang tao. Mabulaklak na kumot at kupas na kobre. Ang kurtina sa hindi kalayuan ay may pamilyar na bilugang burda, perpektong pinapasilay ang ilang sinag ng umaga.

Bakit ako nandito? 

Iginilid ko ang dalawa binti at sumuot sa pares ng tsinelas na gawa at regalo saakin ni lolo para sa ikalima kong kaarawan. Matapos ay dinala ko ang sarili sa luma at maingay na pintuan.

Napatigil si lolo sa paghahanda ng pagkain nang marinig akong lumabas ng kwarto. Dalian akong napangiti nang makita ang pulang apron na niregalo ko sakaniya noong kaarawan niya. 

Ngayon ko lang napagtanto na maliit sakaniya iyon, pero sinuot niya pa rin.

"Kain na," ngiting anyaya niya sabay gayak saakin paupo sa hapag kainan.

Lumawak ang ngiti ko at hinawakan ang kutsilyo. Dinawdaw sa kesong si lolo pa mismo ang nagtunaw at pinang palaman sa mainit na pandesal.

"Sabi ng mama at papa mo ay naayos na ang pakiramdam ng ate mo," sabi ni lolo habang nagpapalaman ng sariling tinapay.

Bumagal ang pag nguya ko. Naramdaman ko kasi ang kalungkutan sa boses niya. Sa oras na umayos ang lahat at nakabawi na sa pera sila mama at papa ay paniguradong kukunin na nila ako.

Mag-isa na lang si lolo sa buhay. Si lola ay isang dekada nang patay. Wala ring maayos na komunikasyon si papa at lolo dahil buong buhay ni papa ay si lola lang ang naging kaagapay niya. 

Isa pang dahilan na nakikita ko ay sa Maynila nagtrabaho si lolo noong kabataan ni papa. Kaya wala siya sa tabi nito bilang isang ama.

"Bakit hindi ka na lang sumama saamin lolo?" tanong ko nang hindi tumitingin sakaniya, "Malaki naman ang house namin, isa pa malapit lang naman ang bahay namin dito."

"Hindi kayang iwan ni lolo ang lola."

Iimik pa sana ako upang sabihin na matagal na itong pumanaw ngunit, napadako ang tingin ko sa tokador sakaniyang likuran. Doon nakalagay ang jar kung nasaan ang abo ni lola at ang ibang litrato nito.

Ipinatong ko ang tinapay sa ibabaw ng pinggan ko at uminom ng tubig. 

"Ikwento mo nga ulit kung paano kayo nagkakilala," kahit pa kabisado ko na ang talambuhay ni lolo ay iba ang kislap ng mata niya kapag nagpapakwento ako.

Napangiti si lolo sa sinabi ko. Tila naman lumuwag ang aking hininga dahil nawala kahit papaano ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kwento namin ng lola mo?" agad akong umiling sa tinanong niya. Napatawa na lamang siya ng malalim at kinuha ang salamin sa tabi ng pinggan niya, "Oh siya sige, kunin mo ang notebook ni lolo sa kwarto at ikukwento ko ulit saiyo."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now