Chapter 12

1.4K 92 22
                                    

"Wala kang susi, ano?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wala kang susi, ano?"

"Paano mo nalaman?"

Nagpatuloy sa pakikinig si Gareth sa usapan ni Isabella at ni Wojtek. Napangiti siya nang mamukhaan niya ang binatang kausap ng dalaga.

"Ano iyang dala mo?" tanong ni Isabella.

"Ito? Pagkain, pang dalawang linggo."

Inaasahan ng binatang ito na mahuhuli niya si Gareth sa loob lamang ng dalawang linggo? Sa mababasa nito mamayang gabi ay siguradong paghihinalaan siya.

Dapat lang. Kasama iyon sa plano.

Nang makita niyang papalayo na ang bulto ng dalawa ay binitawan na ni Gareth ang kurtina na pinagsisilipan niya.

Pinakiramdaman ni Gareth hindi lamang ang buong kuwarto ni Isabella kung hindi ang buong bahay.

Unang pinansin ni Gareth ang desk nito. May mga nakahilerang librong pang kolehiyo at mga planner na ginamit ng dalaga nung mga nakaraang taon.

Suot ang leather na gloves, kinuha ni Gareth ang planner para sa ngayong taon. Laking pagtataka niya at imbis na mga gawain, nagmistula pala itong diary.

Mabilis na nabasa ni Gareth ang unang tatlong planner ni Isabella. Naglalaman ito ng araw-araw niyang buhay noon sa kolehiyo at pharmacy.

Kapag nakakatapos ng isang planner, binabalik ito ni Gareth sa lugar kung saan niya ito kinuha na parang hindi ginalaw. Ang huling planner ay ang wari niya'y sinusulatan ng dalaga sa kasalukuyan.

Una niyang pinagtuunan ng pansin ang naramdaman ni Isabella noong nilooban ang pharmacy na pinagtrabauhan.


Mayo 17, 2005

Hindi sumagi sa isip ko na puwede akong mamamatay at hindi na makauwi. Mas kinatatakutan ko pa kung gaano ko katagal mararamdaman ang sakit kung sakaling barilin ako ng taong iyon.

Nakita ko siyang manginig. Hindi ko alam kung dahil sa gigil o kaba. Siguro dahil nakasailalim siya sa masamang droga. Hindi ko alam pero may parte sa akin na nanghihinayang na namatay siya.


Inilipat ni Gareth ang sumunod na pahina.


Mayo 25, 2005

Nalaman ko kagabi na binenta ang bahay ni Lolo. Gusto kong magwala—hindi dahil binenta ang bahay, kung hindi dahil nilihim nila ito sa akin.

Itong si Gareth ang bumili ng bahay ni Lolo. He's nice. Hinatid niya ako ngayon sa trabaho kasi intensyon niyang mag-sorry.


Inilipat ulit niya ang pahina. Pakiramdam niya nagbabasa siya ng Bibliya.


Mayo 28, 2005

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Where stories live. Discover now