Chapter 13

1.5K 89 12
                                    

Hindi alam ni Isabella kung may patutunguhan itong ginagawa niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi alam ni Isabella kung may patutunguhan itong ginagawa niya.

Nakakrus ang dalawa niyang braso habang nakatitig sa sewing machine na pinaglaanan niya ng buong Sabado upang maipagawa. Masyado na kasing luma ang ibang parts nito at hindi na mapapakinabangan kaya naman pinapalitan niya.

Determinado siyang umupo sa harapan ng tahian at hinaplos ang bawat parte. Hindi niya naiwasan na maimahe ang kanyang lolo na ginagamit ang sewing machine.

Naisip ni Isabella na gusto niyang ibahin ng kaunti ang estilo ng kanyang manika kaysa sa ginagawa ng kanyang lolo noon, kaya naman naisip niya na gagawa siya ng parang plushy.

"Kaso sino, ang gagawin kong modelo?"

Marami siyang naisip, pero sa sobrang dami ay hindi siya makapamili.

Napatingin si Isabella sa basket na naglalaman ng ibang materyales.

"Si Gareth?" sabi niya sa kanyang sarili.

Kaso biglang sumagi sa isipan niya si Wojtek. Kung hindi dahil sakaniya ay hindi mapapatunayang inosente ang Ate Jane niya.

Hindi rin maliit na bagay iyon.

"Anong ginagawa mo?"

Halos mapatalon sa kinauupuan si Isabella nang marinig niya ang boses ni Jane.

"Ah!" natatawang sabi ni Isabella. Itinuro niya ang sewing machine na nakapatong sa study table niya. "Pinagawa ko."

"Alam ko," tangong sabi ni Jane.

"Ito yong kinuha ko sa bahay ni Lolo," sabay nagbago ang tono ni Isabella, "noong nalaman kong binenta."

Hindi agad nakasagot si Jane, ngunit pagkaraan ng ilang segundo lamang ay tumango ito muli.

"Alam ko."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isabella.

"Kung hindi mo gusto kung saan ito patungo, sabihin mo lang."

Napahinga si Jane nang malalim at pinasok ang sarili niya sa kuwarto ni Isabella. Isinarado ang pintuan at naglakad paupo sa kama ng kaniyang kapatid.

"Kahit sabihin kong 'huwag' ay hindi ka naman makikinig saakin," sabi ni Jane.

Inikutan ni Isabella ng mata ang sariling kapatid.

"Kung ganoon ay harang ka pa rin sa ginagawa ko?"

"Ano bang ginagawa mo?"

Nagkatitigan ang dalawang magkapatid. Napakuyom ng labi si Isabella.

"Nagta-try akong gumawa ng manika," pag-amin ni Isabella."Para maalala ko ang mga detalye na nangyari noong gabing iyon."

Napakurap nang ilang beses si Jane. Halata sa mukha nito na hindi nito gusto ang ideya.

"Tsk," sabi ni Isabella, "sabi ko naman saiyo kung hindi mo gusto ang ideya ay sabihin mo lang."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon