Chapter 2

2.2K 106 5
                                    


Sela's POV

I slowly opened my eyes until I have a glimpse of the ceiling of this room.

Clinic

Medyo nasilaw ako sa liwanag na galing sa ilaw ng kwarto at pipikit na sana but then I suddenly feel the pain in my head.

"Ugh.. Ang sakit ng ulo ko..." nakahawak ang kamay sa ulong daing ko.

Naramdaman ko naman bigla ang paggalaw sa gilid ko kaya napabaling ang atensyon ko roon.

Anong-

"Hey, k-kamusta? May masakit ba sa'yo?" I just glared at her when I realized what just happened.

Kinuha ko ang unan na nasa kama at pinaghahampas siya, "Kamusta? I knew it! Ikaw na naman?! Wala ka na talagang ginawa kundi sirain ang araw ko 'no?!" sabay hampas ko ulit dito.

She's avoiding my attack while trying to speak, "What? Aray! Teka lang, as far as I know aksidente 'yung nangyari! Aray-! Aray, ano ba!" rason nito habang iniiwasan ang hampas ko.

"Aksidente?! Do you even think I'll just believe on what you're saying? Pagkatapos ng ginawa—ouch!" napatigil ako sa paghampas sa kaniya nang maramdaman ko ang sakit sa kanang braso ko.

"What's happening here? Sela! Abby!" napatingin ako sa pintuan nang may pamilyar na boses ang sumigaw.

I just held my wrist to prevent it from bleeding. Dumating sina Alice kasama ang iba pang girls at mga teammates nitong si Abelaine. Nagsilapitan naman ang mga ito sa pwesto namin.

"Hala ate, 'yan ata 'yung tumama sa bleachers kanina." Mari's inspecting my wrist while saying that. And again, hinanap ng mata ko 'yung kupal na may gawa nito at sinamaan siya ng tingin.

Tumayo naman bigla si Jem at nagpaalam, "Tawagin ko lang 'yung nurse para jan sa sugat mo, Sela." paalis na ito nang biglang magsalita si Dana, ang teammate ni Abby.

"Samahan na kita!" napatingin naman kaming lahat dito at napansin niya ata 'to, "Uh, b-baka mapano kasi siya kung m-mag-isa lang siya, hehe."

Umalis na silang dalawa ni Jem kaya kami naman ang naiwan dito.

Suddenly, this monkey went in front of me and said the word I didn't even imagine her saying in front of me.

"Sorry."

It's like a whisper to everyone inside the room but I heard it clearly.

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam na naman ako ng inis.

"Sorry? Kung hindi ka kasi tumitingin sa paglalaro mo nang maayos e 'di sana hindi nangyari sa'kin 'to." inis na sabi ko rito.

Tila nainis naman ito sa attitude ko dahil nakita kong bahagyang tumiklop ang mga palad nito. "Nag-sorry na nga 'di ba? Ano pa bang gusto mo?" she answered me back. Clearly pissed off.

"Ha! Ako pa talaga 'yung tatanungin mo n'yan? E ikaw, ano ba talaga 'yung gusto mong mangyari, ha!"

"Guys, tama na! Pwede ba!" everyone became quiet when we heard alice yelled.

Nagsalita ulit ito na lalo namang nagpatahimik sa amin, "Pwede ba kahit ngayon lang magkasundo kayong dalawa? Araw-araw na lang Abelaine! Marsela! For Pete's sake."

"Tsk." I heard that Abelaine hissed.

Tumahik na lang ako dahil dumating na rin sina Jem kasama 'yung nurse na mag-aasikaso ng sugat ko. Du'n ko lang din napansin na may band-aid pala ako sa sentido ko.

Hays, siguradong mag-aalala sina dad nito once they've seen these.

Anyways, ever wonder why Alice could make us snapped like that in just a second? Well, imma tell you this.

Alice is the President of the students' council in this university. We call her "Captain/Capt" because why not? It really suits her. Well, me, I am just the Vice President and Jem is the secretary.

Alice never used her position just to do what she wants in this school. She never took advantage of her powers just to be obeyed on this campus. She's really a matured person kaya siguro deserve niya talaga 'yung position na 'yun.

She's the President of the sc but when we talk about her personality, that's another story.



Abby's POV

Napatingin ako sa orasan dito sa clinic and it's already 6:30 pm. Siguradong dumidilim na sa labas.

Kanina pa kasing 5:30 natapos 'yung game at nagsipag-uwian na rin 'yung mga tao. Naiwan lang kami ng team ko dito dahil tumulong kami sa pag-aayos ng court kanina. Guess what? Yeah, we won.

Even without the accident naman, malaki daw talaga ang lamang ng team namin sa kalaban. So winning from the game even with what just happened is an understatement.

Nabasag ang katahimikan nang may kumatok sa pintuan ng clinic. Bago pa man kami makapagsalita ay sumilip na rin ito sa pintuan.

"Uhm, 'yung mga players daw po bumalik na sa court at may sasabihin daw po si Coach."

I was already prepared to stand up from my seat nang magsalita ang lalaking muli at akmang pipigilan ako.

"Ahm, ate Abby! Okay lang naman daw po if ia-accompany mo pa si Vice, dahil sa nangyari kanina. Message ka na lang daw po ni Coach sa mapag-uusapan nila." and I just can't digest what he just said.

Tututol pa sana ako nang biglang nagsitakbuhan ang mga teammates ko palabas ng pinto nitong clinic.

"Bye capt!"

"Capt, ikaw na bahala kay Vice ha!"

"Good luck, ate Abby!"

"P-Pero..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsipagtayuan na rin ang mga girls na kasama ni Sela.

"Oh siya, mauna na rin kami. Baka hinahanap na rin ng mga parents nila 'tong mga iba rito." Alice said.

"Wait. Iiwan niyo 'ko dito? Kasama 'tong unggoy na 'to?" magrereklamo pa sana si Sela nang maglakad na rin papuntang pintuan ang mga kaibigan niya.

Tss. Arte-arte. 'Kala mo naman gusto rin kita makasama mag-isa dito.

"Abelaine, ikaw na bahala maghatid jan kay Marsela, ha? Sabay sana kami but since you're here already, then make your own move. Sige na, Ella sa'kin ka sumabay ha." Oh god.

President eh, may choice ba 'ko?

Ella didn't even hesitate to answer, "Opo, ate Alice. Bye ates! Ingat po kayo." while waving her hand.

Nagpaalam na rin ang iba hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira rito sa clinic. Naka-alis na kasi ang nurse kanina pagkatapos nitong gamutin ang sugat ni Marsela.

As if on cue, the atmosphere suddenly became awkward.




Awkward silence and it's killing me.

Spiking My Heart To YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon